^

PSN Opinyon

Hiwaga ng chelation therapy

- Cielito Mahal Del Mundo -
Ginanap kamakailan sa Manila Midtown Hotel ang isang serye ng seminar tungkol sa chelation therapy sa pagtataguyod ng Friends of Chelation. Naging pangunahing tagapagsalita ang internist-cardiologist-preventist na si Dr. Arturo V. Estuita. Ipinaliwanag ni Dr. Estuita na ang chelation therapy ay isang mabisang proseso sa pagtatanggal ng bara sa mga ugat na hindi na kakailanganin pa ang operasyon.

Ayon kay Dr. Estuita batid niya na may mga doktor, lalo na iyong mga cardiologist, ang tumutuligsa sa chelation therapy. Maraming ipinakitang pagpapatotoo sa pamamagitan ng mga slides si Dr. Estuita para maipaliwanag na mabuti ang mga bagay tungkol sa chelation. Sinabi niya na bukod sa matagal at mahal ang gagastusin sa operasyon ay hindi makatitiyak ng lubusang paggaling lalo na ang mga may sakit sa puso.

Inihayag niya ang report ng Amerikanong heart surgeon na si Dr. Robert Willix Jr. kung gaano kabisa ang bio-oxidatine chelation therapy. Humigit kumulang sa isang milyong tao sa Amerika ang nagkakaroon ng cardiovascular disease at namamatay bawat taon. By-pass surgery is not only dangerous, frightening and expensive but offers no guarantee of improved health and by-pass patients return to the operating table two to three times after their surgeries.

Ang Cypher Corporation of St. Shores sa Michigan ay nagsagawa sa loob ng 13 taon ng isang pag-aaral sa 20 libong tao at napatunayan ang pagiging mabisang proseso ng chelation at walang nakitang harmful effects ito ayon sa Federal Drug Administration. Para sa karagdagang kaalaman sa chelation therapy, maaari ninyong tawagan ang klinika ni Dr. Estuita sa mga telepono bilang 551-0188, 8325634 at 831-6743.

AMERIKA

ANG CYPHER CORPORATION OF ST. SHORES

CHELATION

DR. ARTURO V

DR. ESTUITA

DR. ROBERT WILLIX JR.

DRUG ADMINISTRATION

FRIENDS OF CHELATION

MANILA MIDTOWN HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with