At ngayon ay pumasok sa eksena si US Representative Dana Rohrabacher at ang kanyang Security Adviser na si Al Santoli. Sinabi ng dalawa na ang mga ahensiya ng Amerika na may kinalaman sa drug enforcement at anti-money Laundering ay nag-iimbestiga rin sa posibleng pagkakasangkot nina Lacson at dating President Estrada.
Isiniwalat ni Corpus na maaaring nai-withdraw na ni Lacson ang mga deposits niya sa mga Hong Kong accounts. Nabalitang nagpunta si Lacson sa Hong Kong noong katapusan ng Hulyo.
Sinabi naman ni Lacson na handa siyang magbigay ng special power of attorney kay Corpus upang siya mismo ang mag-withdraw sa mga accounts ni Lacson. Nagbigay din ng pahayag si Sen. Loi Ejercito na idinidiin siya at si Lacson upang pagtakpan ng administrasyon ang bribery case laban kay First Gentleman Mike Arroyo.
Masalimuot ang akusasyon kay Lacson. Hindi na maganda sa ating bansa ang nangyayaring ito. Lalong sumasama ang imahe dahil hindi kaagad nabibigyan ng mabilis na aksyon ang nasabing usapin. Naiinis na ang mamamayan. Dapat na talagang harapin ni GMA ang katotohanan na walang mabuti kundi ipagharap ng sakdal at litisin sina Lacson, Loi at Erap upang malaman na kung sila nga ay guilty o not guilty. Hindi dapat mabahala si GMA kung magalit man ang kampo ng mga Estrada. Nasa likod niya ang taumbayan.