^

PSN Opinyon

Nag-aanyaya nang pagkilos ng Diyos

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Nito lang nakaraang linggo, pinagnilayan natin kung paanong ang kaliitan ng pananalig ng mga taga-Nazareth ang humadlang kay Jesus upang makagawa ng mga himala para sa kanila. Ngayon, makikita natin si Jesus na gagawa ng isang dagliang pagpapagaling dahil sa napakalaking pananalig ng isang babae.

Ang salaysay mula kay Mateo ay nagpapakita ng maraming interesanteng detalye. (Mt. 15:21-28)

"Umalis doon si Jesus at nagpunta sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon. Lumapit sa kanya ang isang Cananeang naninirahan doon at malakas na sinabi, ‘Panginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay inaalihan ng demonyo at masyadong pinahihirapan.’ Ngunit gaputok ma’y hindi tumugon si Jesus. At lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, ‘Pagbigyan na nga po ninyo at nang umalis. Siya’y nag-iingay at susunud-sunod sa atin.’ Sumagot si Jesus, ‘Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo.’ Ngunit lumapit sa kanya ang babae. Lumuhod sa harapan at ang sabi, ‘Tulungan po ninyo ako, Panginoon.’ Sumagot si Jesus, ‘Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.’ ‘Tunay nga po, Panginoon,’ tugon ng babae, ‘ngunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon.’ Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, ‘Napakalaki ng iyong pananalig! Magyari ang hinihiling mo.’ At noon di’y gumaling ang kanyang anak."


Hindi lamang kawalang-interes ang ipinakita ni Jesus sa kahilingan ng babae. Agad din niyang sinabi na kailangan niyang tulungan lamang ang mga naliligaw na mamamayan ng Israel. Datapwat hindi nagpatalo ang babaing taga-Canaan. Binaligtad niya ang animo’y insulto sa mismong dahilan kung bakit kailangan siyang tulungan ni Jesus. "Ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon." Nagpamalas siya ng isang napakalalim na pananalig. Nakita niya ang kabutihan ni Jesus. Naniwala siya sa kanyang kapangyarihan.

Ang pananalig ng babae ay isang paraan upang makuha ang kalooban ni Jesus. Noon di’y ipinahayag ni Jesus na ang anak na babae ng Cananea ay magaling na. Ligtas na mula sa demonyo.

Hinahanap ni Jesus mula sa ating lahat ang pagtitiwala natin sa Kanya. Nais Niyang makita sa atin na tayo’y naniniwala sa kanyang kabutihan. Naging tao Siya para sa atin. Naparito Siya upang ibahagi sa atin ang Kanyang kapangyarihan at kabutihan.

Isaloob ang kababaang-loob at pananalig ng Cananea. Makakabuti ito sa inyo.

BABAE

CANANEA

JESUS

NAIS NIYANG

NAPARITO SIYA

NGUNIT

PANGINOON

SIYA

SUMAGOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with