Ang pagsuko ni Carlito Aguilar
July 29, 2001 | 12:00am
Siyam na taon na ang nakalilipas nang patayin ng mga kasapi ng isang drug syndicate ang kapatid kong si Engr. Jaime Boboy Jimenez, Jr., sa Tambo, Parañaque.
Matapos ang pitong taong paghihintay at paghihirap ng kalooban, nakamit din namin ang hustisya noong 1997. Nahatulan ng life imprisonment si Carlito Aguilar isa sa mga bumaril at pumatay sa aking kapatid. Nagwakas na rin ang pakikipaglaban para kay Boboy. Ngunit sa aking panig, ang laban para sa katulad niyang biktima ng krimen ay simula pa lamang.
Ngunit naiba ang takbo ng hustisya para sa aking kapatid. Napalaya si Aguilar sa bisa ng ilang mga kuwestiyonableng dokumento. Kamakailan ay sumuko naman si Aguilar.
Sinuspinde ng tatlong buwan ni Bureau of Corrections (BUCOR) Director Ricardo Macala sina Andres Macion, James Tan at Raymundo Mayo III para umano sa gross neglect of duty at grave misconduct. Ito ay dahil sa paglaya nina Aguilar at ilan pang mga bilanggo.
Ang pangyayaring ito ay dapat na magsilbing aral sa mga kinauukulan. Gumising sana at ituon ang ating atensiyon sa uri ng katiwalian. Naway ang pagbibigay ng kaukulang pagkilos ng DOJ at ng BUCOR upang tugunan ang problemang ito sa sistemang koreksiyonal ay magbunsod ng tuluyang pagbabago sa lipunan.
Ang panawagan ng VACC ukol sa malungkot na kalagayan ng hustisya ay hindi lamang para sa kapakanan ni Boboy, kundi para rin sa marami pang biktima ng kawalan ng hustisya. Samantala, naway manatili na sa bilangguan si Aguilar.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest