^

PSN Opinyon

Pakitang tao?

- Al G. Pedroche -
Lumakas muli ang ating piso laban sa dolyar.Mula sa dating halos P 40 ay bumagsak ito sa P 53.20 bawat dolyar.

At nasorpresa ako dahil ibinaba na rin ng bahagya ang halaga ng mga produktong petrolyo. Dapat ba tayong matuwa?

Bago magbunyi’y mag-analisa tayo. Hindi bumaba ang halaga ng dolyar dahil umigi ang economy. Ito ay dahil nagpakawala ang Banko Sentral ng Pilipinas ng katakut-takot na dolyar mula sa ating dollar reserve. Isang bagay ito na ayaw gawin noon ng BSP.

Kung araw-araw magpapakawala ng dolyar ang BSP para lamang mamantine ang halaga ng piso, peligroso iyan! Maraming mga masalaping gahaman ang mamamakyaw ng dolyar at lalong mauubusan ng reserba ang kaban ng bayan. It’s like hitting an already sick elephant in the jugular vein and letting it bleed to death!

Bakit ngayo’y biglang nag-intervene ang BSP sa peso devaluation? Dahil ba sa napipintong State of the Nation Address ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo na binabantaang uulanin ng mga kilos protesta? At iyan din ba ang dahilan kung bakit ibinaba ang halaga ng petrolyo? Marami ang nagdududa na matapos ang SONA ng Presidente sa Lunes ay muling tataas ang halaga ng petrolyo at babagsak muli ang halaga ng piso. Kung tama ang haka-haka ng marami, iya’y maliwanag na deception.

We’re not saying this to spite the President. Rather we would like her and all of us citizens to face reality.
Ang realidad na sadyang mahirap ang panahon. Ang realidad na dapat tayong magtulung-tulong sa paglutas ng mga problema ng bansa. Kung ulanin man ng protesta ang SONA ng Presidente sa Lunes, let it be. Mabuti nga iyan para masalamin ng Presidente ang tunay na damdamin ng bayan sa mga nagaganap ngayon sa ating bansa. Hindi kailangang magpa-pogi para lamang ibsan ang epekto nito. Ang mahalaga’y gawin niya ang nararapat and not be distracted by the spate of civil disturbances surrounding her.

Puwedeng manipulahin upang lumitaw na malakas ang ating salapi pero iya’y pansamantalang remedyo lang porke artipisyal. Ang mas nakatatakot ay ang negatibong epekto ng ganyang hakbang tulad ng pagka-ubos ng ating reserbang dolyar.

Ano ang salapi? Strictly speaking, ito’y sertipikong nagpapatunay na ikaw ay nagma-may-ari sa bahagi ng isang mahalagang bagay tulad ng ginto.

Noong araw, ang salaping umiiral sa bansa ay may garantiyang ginto sa pag-iingat ng Banko Sentral.

Ngunit ang salapi ngayo’y wala nang gintong katumbas. Ang halaga nito’y katumbas na lang ng sigla ng produksyon sa ating industriya.

Kapag masigla ang produksyon at maganda ang takbo ng ekonomiya, mataas ang halaga ng salapi. Kapag nananamlay ang takbo ng kabuhayan, lupaypay ang halaga nito.

Nakasandal din ang value ng ating piso sa dami ng dolyar na pumapasok sa ating bansa. Yung mga dolyar mula sa ating overseas workers, foreign investors at kinikita ng bansa sa eksportasyon. At dahil maraming nangungunyapit sa kanilang dolyar bunga ng pangit na takbo ng ekonomiya, lalung bumabagsak ang halaga ng piso.

Ang dapat atupagin ng administrasyon ay ang baguhin ang klima sa bansa. Isang klima na magiging panatag at walang kaba ang mga negosyante at mamamayan. Isang klimang walang karahasan at krimen. Isang klima na walang mga kurakot sa pamahalaan. At higit sa lahat, isang klima na nakasentro at nangunguna sa bawat tao ang Panginoong Diyos dahil ang pagpapasakop sa Diyos ay simula ng tunay na karunungang sisibulan ng positibong reporma at pagbabago!

ATING

BANKO SENTRAL

DOLYAR

HALAGA

ISANG

KAPAG

PANGINOONG DIYOS

PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL ARROYO

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with