^

PSN Opinyon

Kontrobersyal ang diborsyo

- Al G. Pedroche -
Mainit na isyu ngayon ang tungkol sa divorce. Pet bill ito ni Senador Pong Biazon.

Personally, tutol ako sa diborsyo. Pero bilib ako sa conviction ni Biazon. Unpopular ang kanyang panukalang batas pero aniya, handa niyang itaya ang kanyang political carreer alang-alang sa prinsipyong kanyang pinaniniwalaan.

At naniniwala si Biazon na kailangan ng bansa ang diborsyo. Marami aniyang mag-asawa ang nagdurusa dahil hindi matiis ang isa’t isa.

At totoong marami na ang mga naghiwalay at nagkakasya na lamang sa pakabit-kabit dahil labag sa batas kung magpapakasal sila sa iba.

Ngunit sa mga Kristiyanong naniniwala sa Salita ng Diyos, hindi dapat ang diborsyo. Malinaw ang sinabi ng Diyos na ano man ang pinagsama niya’y hindi dapat papaghiwalayin ng tao.

Hindi puro sarap ang pag-aasawa. May kaakibat itong mga sakripisyo. May mga pagkakataong dahil sa pagkabagot ay nakapagbibitiw ng masasakit na salita ang mag-asawa sa isa’t isa. Ganyang ang human nature.

Kung mapagtitibay ang batas sa diborsyo, tiyak marami ang maya’t maya’y magpapalit ng asawa kung ang batayan ay ang hirap na dinaranas nila sa piling ng kanilang mga kabiyak.

At bagama’t wala pang diborsyo sa bansa, mayroon namang batas sa annulment o pagpapawalang saysay ng kasal. Pagdedeklara na sa simula pa lamang ay invalid ang kasal. Iyan ang kaibhan ng annulment sa divorce. Sa divorce, nilulusaw ang isang balidong kasal samantalang sa annulment, idinideklara na walang naganap na kasal.

May mga grounds sa annulment tulad ng psychological incapacity, pagkabaog ng babae o lalaki, pananakit pagkahaling sa droga o alkohol at iba pa.

Sang-ayon ako sa physical separation kung kinakailangan para sa kaligtasan ng isang tao kung ang partner niya ay bayolente. Sa ganitong kaso’y talagang dapat ang hiwalayan. Kung marahas ang lalaki o babae na maaaring maging dahilan ng pagkamatay o seryosong pagkakapinsala ng isa.

Subalit habang nabubuhay ang isa sa mag-asawa, kahit pa sila magkahiwalay ay hindi sila maaaring mag-asawa ng iba. Mahirap ngunit iya’y pagtalima sa tagubilin ng Diyos.

Iyan ang hirap sa mga nag-aasawa. Sumusumpa sa harap ng altar na magsasama sa hirap o ginhawa. Habang puro ginhawa okay lang. Pero pagdating ng hirap, ibig nang maghiwalay.

Tutol ako sa diborsyo dahil laging ang mga supling ang nagdurusa. Ang lipunan natin ay singlakas lamang ng mga pamilyang bumubuo nito. Wasakin mo ang pundasyon ng pamilya at mawawasak din ang lipunan.

Kung malulong sa masamang bisyo ang mga anak dahil sa paghihiwalay ng mga magulang, buong sosyedad ang nagdurusa.

Pananaw ko lang ito at maaaring kayo’y may ibang opinyon. Kayo ba’y pabor sa diborsyo? Sulatan n’yo ako.

BIAZON

DIBORSYO

DIYOS

GANYANG

HABANG

IYAN

KUNG

PERO

SENADOR PONG BIAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with