Kaso ni Erap huwag patagalin
July 12, 2001 | 12:00am
May dalawang Justices na dapat nating itakwil at kasuklaman. Ito sina Justice Delayed at Justice Denied.
Magkakambal sila. Parehong salot sa ating demokrasya.
Sa kasong plunder na kinakaharap ngayon ni ex-president Joseph Estrada, dapat nang ibasura ang lahat ng delaying tactics para mabinbin ang proseso ng hustisya.
Buti na lang at tinutulan ng Mataas na Hukuman ang last minute appeal ng kampo ng dating Presidente na pigilin ang arraignment ng dating pangulo.
Sabi ng Malacañang, hindi na raw "hot issue" si Estrada. Marahil ay hindi na nga sing-init tulad ng dati ang emosyon ng mga kakampi at kalaban ni Estrada tungkol sa usapin, ngunit hindi ito puwedeng bale-walain.
The earlier the case is laid to rest, the better it will be for our economy. Hindi maipu-full blast ang pagpapaunlad sa bansa hanggat buhay ang usaping iyan.
At bakit nagsusumikap ang mga legal counsels ni Estrada na mabitin ang kaso? Kung tiwala silang walang sala ang dating Presidente at itoy mapatitibayan nila, lalo nilang dapat ipursige na isulong ang proseso para maabsuwelto ang kanilang kliyente.
Hindi ko hinuhusgahan ang dating Presidente. Ngunit kung dapat siyang maabsuwelto at malinis ang pangalan, dapat na itong maganap sa lalong madaling panahon.
Ipinadedeklara ng mga abogado ni Estrada ang Republic Act 7080 o ang batas sa plunder na unconstitutional sa pag-asang mag-iisyu ng temporary restraining order ang Korte Suprema sa arraignment ng dating Presidente.
Its good ibinasura ng mga mahistrado ang apilang itong.
Isa sa mga abogado ni Estrada si dating Senador Rene Saguisag. Ironically, isa si Saguisag sa proponents o umakda sa batas laban sa plunder.
At mas kakatwa na si Estrada mismo, nang siyay isang Senador pa ang isa sa mga nag-aproba sa naturang batas. Bakit ngayoy ibig nilang mawalan ng saysay ang batas na noong araw ay itinaguyod nila?
Tulad ng nakararami sa ating mga kababayan, ang hangad koy umusad ang due process of justice. Wika ngay lumitaw ang buong katotohanan, ano man ito.
Kung walang sala si Mr. Estrada, naway maabsuwelto siya at malinis ang kanyang nadungisang pangalan na ditoy nadamay pati ang kanyang buong angkan. Ayaw nating magdusa ang isang tao sa pagkakasalang hindi naman niya ginawa. Ngunit kung ang mga paratang sa kanyay solido at may basehan, dapat lamang niyang panagutan ang malaking pagkakasala sa bayan na pinanumpaan niyang paglilingkuran ngunit sa halip ay kanya palang pagsasamantalahan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest