Ang talinghaga ng daga
July 3, 2001 | 12:00am
Ang mga hayop sa buong kagubatan ay parang isang masayang pamilya. Sa mahabang panahon ay walang nanggugulo sa kanilang mga tao. Bawat hayop ay gumagala na walang takot o pangamba.
Masagana ang pagkain mula sa mga puno at mga taniman. Halos lahat ay kumakain ng gulay at prutas kaya parang nasa paraiso sila.
Isang araw nagulat ang mga hayop nang dumating ang mga mangangaso. Binabaril ang mga hayop at ibon. Pati ang mga isda sa ilog ay binabaril.
Nabahala ang lahat ng mga hayop maliban sa daga. Alam ng daga na walang may interesadong kumain sa kanya.
Ako ay walang problema. Hindi ako kinakain ng mga tao, sabi nito sa sarili.
Walang tigil ang pangangaso. Bawat hayop na hinuhuli ay tinatangka namang tulungan ng kapwa hayop maliban sa daga.
Walang pakialam ang daga sa nangyayari. Nakahalukipkip siya at nakatawa. Ako ay isang daga. Hindi interesado ang mga tao sa akin. Kayong mga hayop ay kinakain nila. Kaya problema ninyo iyan hindi akin.
Dumating ang panahon na halos lahat ng mga hayop sa kagubatan ay nalipol na.
Isang araw, may dumating na mangangaso. Hinuli ang daga at inilagay sa isang kulungang alambre.
Ako ay isang daga sigaw niya sa mangangaso. Hindi ninyo ako dapat hulihin.
Tama ka, daga, sagot ng mangangaso. Pero wala ng ibang hayop maliban sa iyo. Kaya kahit ikaw ay pagtitiyagaan na lang namin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended