Rice smuggling no lusot kung walang kasabwat
June 26, 2001 | 12:00am
Pera lang ang usapan kaya malayang nakapapasok ang mga smuggled imported rice sa bansa. May mga kasabwat kasing gagong taga-Customs.
Ang ating mga magsasaka ang nahihirapan sa ginagawa ng mga kamoteng smugglers at mga hunghang na Customs officials. Nababaon sila sa utang dahil sa mahal ng presyo ng mga ginagamit sa pagsasaka. Ang masama, mura lang nilang naipagbibili ang palay kapag inani.
Hindi birong pera ang inilalagay ng mga sindikato sa kanilang kontak person sa Bureau of Customs para lamang payagang pumasok sa merkado ang mga imported rice.
Noon ay sa ilang lugar sa Visaya at Mindanao pumapasok ang mga imported rice mula sa Thailand, Vietnam, China at USA pero ngayon, pati sa Norte ay idinadaan na rin.
Kaya ang ating mga magsasaka sa Central Luzon ay nawalan ng ganang magtanim dahil lugi sila. Ang mga imported rice kasi ay mas murang naibebenta.
May mungkahi si Rey Allas, Deputy Customs Commissioner for Intelligence and Enforcement na sibakin sa puwesto ang mga Customs collector. Hindi raw makapapasok ang bigas o asukal kapag hindi pumayag ang mga Customs collector sa kagustuhan ng mga smugglers.
‘‘Ok ang mungkahi ni Allas dapat suportahan ito,’’ anang kuwagong fixer sa POEA.
‘‘Bakit siya ba si Superman na pirming nakamanman sa mga sindikato?’’ tanong ng kuwagong Kotong Cop.
‘‘Bumanat ka na naman ng palihis. Hawak ni Allas ang intelligence at pulis kaya puwede niyang ipamonitor ang kilos ng mga sindikato at collector,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘‘Baka ningas cogon lang iyan?’’
‘‘Abangan natin kung may imported rice pang lulusot,’’ sabi ng kuwagog CO2-10 sa Aguinaldo.
‘‘Paano ang mga kurap d’yan sa NFA, papayag ba sila na matigil ang kanilang bakahan?’’
‘‘Tiyak papayag sila.’’
‘‘Bakit?’’
‘‘Ulo nila ang pupugutin.’’
‘‘May Abu Sayad ba sa Maynila?’’
‘‘Bobo ka talaga no?’’
‘‘Si GMA ang pupugot.’’
‘‘Ayos!’’

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended