^

PSN Opinyon

Ulcer

-
Ang ulcer ay bahaging namamaga sa lining ng sikmura o sa tinatawag na mucosal membrane. Ang sukat nito ay 15 hanggang 25 mm at hugis bilog o itlog. Kadalasan, ang ulcer ay nasa duodenum ng maliliit na bituka na matatagpuan naman sa lower posterior wall. Ang mga may ulcer ay makadarama ng pananakit ng harapang bahagi ng kanilang katawan at likuran. Kadalasan, sumasakit ito sa oras ng pagkain. Makadarama rin ng nausea at bloatedness pagkatapos kumain. Makadarama ng pagkabalisa, pagkagutom o pakiramdam na parang laging may masakit.

Ang mga taong may gastric ulcer ay kinakailangang magpatingin kaagad sa doktor. Maraming examinations kung paano made-detect ang gastric ulcer. Ito ay ang mga sumusunod: endoscopy, analysis of gastric secretions at X-rays na ginagamitan ng barium. Maaari rin itong gamutin sa pamamagitan ng pag-inom ng mga gamot. Kabilang sa mga gamot ay kinabibilangan ng antacids, carbenoxolone at histamine H2 receptor antanogonists (cimetidine, famotidine, rantidine at nisatidine). Most gastric ulcers respond fairly well to treatment, although there is a tendency for healing and relapse to occur.

Light diet lamang ang dapat kainin ng mga taong may gastric ulcers at pinapayuhang iwasan ang mga irritants foods or drinks. Ito ay kinabibilangan ng mga spicy foods na may paminta, mamantikang pagkain, coffee at alcohol. Nararapat ding umiwas sa paninigarilyo at sa stress.

Complication can arise in the form of blockage of the stomach outlet (pylorus), due to the formation of the scar tissue, perforation through to an adjacent space or organ and hemorrahage (indicated by the vomiting of blood and passing black, tarry feces containing blood). Kung sasapitin ang ganitong kaso, makabubuting dalahin sa doktor ang pasyente upang isailalim sa operasyon. Aalisin ang ulcer at ganoon din ang bahagi ng sikmura.

Walang nakaaalam ng eksaktong dahilan ng pagkakaroon ng ulcer subalit pinaniniwalaang kaugnay ito sa mga pagbabago sa mucous membrane lining ng sikmura, mucus secretion, acid at pepsin (isang enzyme) production.

May mga gamot na pinaniniwalaang nagiging dahilan ng formation ng ulcer. Ilan sa mga gamot ay ang aspirin at ang iba pang non-steroidal anti-inflammatory at costicoteroids. The risk of developing a stomach ulcer increases with age whereas a duodenal ulcer may occur in younger adults.

Kung sa kabila na ang pasyente ay sumailalim na sa tamang gamutan at wala pa ring paggaling, sumailalim muli sa examinations sapagkat maaaring palatandaan ito ng cancerous ulcer at kailangan ng panibagong pangangalaga at masusing pagtingin ng doktor.

AALISIN

ILAN

KABILANG

KADALASAN

MAAARI

MAKADARAMA

MARAMING

ULCER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with