Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Col. Jolly Mabanta ng PIO-Philippine Army; MSgt. JP Policarpio ng Ft. Bonifacio General Hospital; Mayor Pempe Miranda ng Santiago City; Judge Calimbahin at Mika Fernandez ng ADBM Resources mula sa mga racers ng Honda Media Challenge.
Binabati ko rin sina Coach Vip Isada, Jun Diaz, Art Guevarra, Bebot, Raul, Roby, Dennis, Mike at Bgy. Chairman Rodolfo Macalma ng Bgy. San Isidro, Cabanggan, Zambales.
At alam n’yo ba na ang naturang halaga ay dapat ipambili ng NFA rice upang ipamigay sa kanilang constituents bago sumapit ang election noong May 14?
At alam n’yo rin ba na hindi lahat ipinambili ng mga kongresista ng NFA rice ang limpak-limpak na salapi ng bayan? Yung iba ay ipinambili ng Ford Expedition, Toyota Land Cruiser at Mitsubishi Pajero. Yung iba naman ay ginastos ang kanilang CDF sa nakalipas na election.
Kahit itanong n’yo pa kay Ms. Violy at Ms. Baby, mga sales agents sa House of Representatives.
Kaya naman pala dumarami pa ang mga miyembro ng Abu Sayyaf ay dahil napapabayaan na talaga ang mga taga-Basilan.
Ang mga kongresista na nabigyan ng tig-P7.5 milyon upang ipambili ng NFA rice na dapat ipamahagi sa kanilang constituents ay sina: Rep. Ding Briones, Pasay City; Rep. Dante Liban, Quezon City; Rep. Ace Barbers, Surigao del Norte; Rep. Henry Lanot, Pasig City; Rep. Jose Marie Gonzales, San Juan; Rep. Rico Echiverri, Caloocan City; Rep. Luis "Baby" Asistio, Caloocan City; Rep. Harry Ang Ping, Manila; Rep. Augusto Baculio, Misamis Or.; Rep. Bernie Vergara, Baguio City; Rep. Teodoro Cruz, Pangasinan; Rep. Rudy Bacani, Manila; Rep. Eddie Gullas, Cebu; Rep. Nancy Cuenco, Cebu City; Rep. Manuel Ortega, La Union; Rep. Leandro Verceles Jr., Catanduanes; Rep. Ernesto Herrera, Bohol; Rep. Tomas Dumpit, La Union; Rep. Raffy Nantes, Quezon; at Rep. Jerry Salapudin, Basilan got P300,000 only.