^

PSN Opinyon

Credit cards kino-clone sa isang KTV sa Makati

-
Para silang mga scientists sa loob ng isang makasalanang laboratoryo! Ang tinutukoy ko ay ang isang KTV/diskuhan sa Makati City na matagal nang nagko-clone sa mga credit cards. Ang mga credit cards na kanilang ikino-clone ay pag-aari ng mga kliyente na mahilig mag-goodtime sa gabi.

Sa A-1 impormasyon na nakalap ng OK KA BATA! bukod sa mga naggagandahang kabataang babae na ipinapain sa mga mayayamang kliyenteng negosyante, palihim naman ang pagsasagawa ng modus operanding "cloning" sa mga nagbabayad ng credit cards imbes na cash.

Sa mga negosyanteng may malaking accounts sa credit cards, siguruhin ninyo mga katoto na ang bills na binayaran ay tumutugma sa nakunsumo noong kayo ay nag-goodtime sa pinasukang diskuhan sa isang night club KTV sa Makati City. Baka hindi ninyo nalalaman na na-clone na ito ng sindikato.

Para sa mga kompanya ng credit cards, magsagawa kayo ng malalim na imbestigasyon dahil baka dumagsa na ang reklamo laban sa inyong kompanya o baka naman marami na.

Isang nagngangalang Bong na manager ng isang KTV na matatagpuan sa Makati Avenue ang pinaka-scientist sa pagko-clone ng mga ibinabayad na credit cards.

Ayon pa sa A1 impormasyon ng OK KA BATA! sigurado raw na walang kaalam-alam ang may-ari ng night/KTV sa modus operandi ng kanyang mga tauhan.

Ganito raw ang modus operandi ng sindikato ng cloning. Kapag hindi ibinigay sa kahera ang ibinayad na credit cards at dinala sa isang room ng waiter, sigurado raw na-clone na ito.

Kumpleto raw ang gamit pang-clone ng sindikato partikular na ang aparatus na ginagamit ng mga department store kapag ikaw ay nagbabayad ng credit cards.

Sa mga mahilig mag-goodtime sa KTV sa Makati Ave. mag-ingat kayo!
* * *
Nagpaliwanag sa OK KA BATA! noong Biyernes ng hapon ang apat na teachers ng Bagong Diwa Elementary School sa Linceo St., Pandacan, Manila. Ito ay tungkol sa nalathala sa column na ito noong Biyernes (Hunyo 15) hinggil sa paniningil ng halagang P600 sa lahat ng Grade 1 pupil mula sa mga magulang.

Mariin nilang pinabulaanan ang maling akusasyon ng mga magulang na sila sa Bagong Diwa Elementary School ay walang anumang sinisingil sa mga magulang ng anumang halaga.

Mahigpit din nilang ipinatutupad ang ipinalabas na memorandum order 22s 2001 ni Secretary Raul Roco.

May paniwala sina Gng. Merlyn Faro (Master Teacher II), Cristina Solibaga (Grade Chairman), Elizabeth Lualhati at Lydia Ricaña na sinisira ang magandang imahe ng kanilang school dahil ang Bagong Diwa Elementary School ang malimit na bigyan ng award sa District 6 na most effective school at pinakahuwarang school sa buong Metro Manila.

Sa mga tumawag na magulang sa OK KA BATA! baka naman miyembro kayo ng "Demonyolition team" ng ibang school para siraan lamang ang naturang school. Tumahimik na kayo!

BAGONG DIWA ELEMENTARY SCHOOL

BIYERNES

CARDS

CREDIT

CRISTINA SOLIBAGA

MAKATI CITY

SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with