Acting Mayor Lacuna buwagin mo ang illegal terminal sa Lawton!
June 10, 2001 | 12:00am
Nakatuon ang pansin ng sambayanan sa kasalukuyang ginagawang paglilinis ni acting Manila Mayor Danny Lacuna sa kanyang siyudad sa naglilipanang ilegal na pasugalan. Sa tingin ko, mukhang may mensaheng gustong iparating si Lacuna sa administrasyon ni President Gloria Macapagal-Arroyo at ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Leandro Mendoza kung paano susugpuin ang jueteng at iba pang klaseng sugal. Kung sabagay, hindi naman kaila sa atin na palaging mga pulis lamang ang sinisisi kapag ang mga illegal na sugal ay naglilipana sa isang lugar samantalang may responsibilidad naman ang mga local government officials nga.
At sa ipinakita ni Lacuna, nangangahulugan lamang na mas may say ang LGUs kaysa sa mga pulis natin kung ang jueteng at iba pang mga sugal ang pag-uusapan, di ba mga suki? Kaya naupo si Vice Mayor Lacuna ay dahil nasa ibang bansa si Mayor Lito Atienza para magpahinga matapos ang pukpukang May 14 elections. Mga dalawang linggo si Mayor Atienza sa United States. Pero ayon sa aking espiya dahil sa ginagawa ni Lacuna baka maagang mapauwi si Mayor Atienza. Hindi ko naman masabing may bahid ng pulitika itong ginagawa ni Lacuna dahil tatlong taon pa bago mag-election. Pero may punto naman ang ibang kritiko ng sabihin nilang maaaring gumaganti lamang si Lacuna sa mga gambling lords na hindi sinuportahan ang kanyang kandidatura, di ba mga suki?
Si Lacuna ay nare-elect din sa kanyang puwesto noong nakaraang election. Kung itong aksiyon niya ay para mapabango lamang ang pangalan niya para sa darating na halalan, mukhang nasa tamang landas siya. Iniulat ng aking espiya na ginagawa ng mga gambling lords ng Maynila ang lahat ng dapat gawin tulad ng padrino system at pangakong suportang salapi kay Lacuna pero mariing tinanggihan niya. ’Yan ang tinatawag na political will di ba? Nasa likod ako ni Lacuna sa ginagawa niyang paglilinis ng Maynila pero mukhang may nakalimutan siya. Ang tinutukoy ko acting Mayor Sir, ang ilegal terminal diyan sa Plaza Lawton sa Intramuros kung saan may ilang buhay na ang ibinuwis dahil sa sobrang laki ng kita ng mga namamahala ng ilegal na negosyo riyan.
Alam mo rin siguro acting Mayor Lacuna na ang namamayagpag na grupo roon na pinangungunahan ni Barangay chairwoman Ligaya Santos ay malapit kay mayor Atienza at maaring mahirapan kang ipabuwag ito. Sa pagkaalam ko, maraming padrino itong si Santos at iniimbestigahan sa kasalukuyan ng pulisya ang report na may alaga itong mga ‘‘hired killers’’ o goons para umano itumba ang mga kalaban niya sa negosyo. Ano ba ’yan?
Kapag na-dismantle na ni acting Mayor Lacuna ang mga ilegal na terminal sa Lawton, wala ng dahilan pa para hindi siya suportahan ng Manileño sa darating na 2004 elections. Kasi nga luluwag ang trapiko at pabor ito sa mga nag-aaral sa pasukan ng klase ngayon. Aksiyon na acting Mayor Lacuna.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended