^

PSN Opinyon

Pagbabalik sa Ama

- Jose C. Blanco S.J. -
Mula sa Ama sa langit, si Jesus ay naparito sa lupa na may misyon. Nang magampanan niya ang misyon, bumalik Siya sa Ama. Iyon ang ibig sabihin ng Ascension o ang pag-akyat ni Jesus sa langit. Subalit ang misyong isinakatuparan ni Jesus ay dapat ipagpatuloy sa lupa sa tamang kasaysayan hanggang sa kanyang muling pagbabalik dito. Ang tawag sa kanyang muling pagbabalik dito ay parousia.

Tinapos ni Lukas ang kanyang Ebanghelyo sa pagsasalaysay nang pagbabalik na ito ni Jesus sa kanyang tahanan sa langit (Lukas 24:46-53).

‘‘Sinabi niya sa kanila, ‘Ganito ang nasusulat: Kinakailangang magbata ng hirap at mamatay ang Mesias at muling mabuhay sa ikatlong araw. Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem. Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito. Tandaan ninyo: Susuguin ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kaya’t huwag kayong aalis sa lunsod hanggang hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihan mula sa itaas.

"Pagkatapos, sila’y isinama ni Jesus sa labas ng lunsod. Pagdating sa Betania, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinagpala sila. Samantalang iginagawad niya ito, siya nama’y lumalayo (paakyat sa langit). Siya’y sinamba nila; pagkatapos, sila’y nagbalik sa Jerusalem, taglay ang malaking kagalakan. Palagi sila sa templo at doo’y nagpupuri sa Diyos.’’


Si Jesus ay may maikli ngunit makahulugang tagubilin sa kanyang mga alagad. Binilinan niya sila na manatili sa Jerusalem hanggang sa sila’y mapuspos ng kapangyarihan. Ang kapangyarihang ito ay ang pagbuhos sa kanila ng Espiritu Santo.

Si Jesus ay bumalik na sa Ama. Subalit hindi ito nangangahulugan na iniwanan niya silang nag-iisa. Siya’y makapangyarihang magiging presente sa kanila sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Siya’y bumalik sa Ama at mula roon silang dalawa ng Ama ang magsusugo sa Espiritu Santo sa mga alagad.

Ang mga alagad, kasama na tayo, ang magiging mga instrumento na magtataguyod ng misyong iligtas ang mundo. Sino at paano ito mangyayari? Ang mga saksing nabigyang-inspirasyon ng Espiritu, sa pamamagitan ng dakilang tinig ng Simbahan tulad ni Papa Juan Pablo II. Ang ating kasalukuyang Papa ay naglalakbay at nangungusap sa lahat sa mundo. Siya ay nakikita at napapakinggan sa TV. Pinaaalalahanan niya ang mga Kristiyano na maging mapagmahal at nagkakaisa. Mapagkumbaba niyang inihihingi ng tawad yaong mga pagkakamali na nagawa ng Simbahan noong mga nakaraang panahon.

Kayo at ako, sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng ating mga salita at gawa, ang tumutulong na ipagpatuloy ni Jesus ang kanyang presensiya sa ating mundo ngayon.

ESPIRITU SANTO

JESUS

KANYANG

LUKAS

NIYA

PAPA JUAN PABLO

SI JESUS

SIMBAHAN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with