^

PSN Opinyon

EDITORYAL - PAOCTF Part 2? hu-humm

-
Hindi kaya mabigo na naman ang Philippine National Police dito? Hindi kaya magbigay na naman ito ng panibagong kontrobersiya at maging sakit ng ulo ni Ate Glo? Sa susunod na buwan ay isang super anti-crime body ang ilulunsad ng PNP. Ito umano ang ipapalit sa binuwag na Presidential Anti-Crime Task Force (PAOCTF) na dating pinamumunuan ni PNP Chief Panfilo Lacson. Binuwag ang PAOCTF dahil sa pagkakasangkot ng mga tauhan nito sa pagdukot at pagpatay kay PR man Salvador "Bubby" Dacer at driver nitong si Manuel Corbito. Bukod sa Dacer case sangkot din ang PAOCTF sa Kuratong Baleleng case, wiretapping, kidnapping at illegal drugs.

Ang bagong anti-crime force ay bubuuin umano ng mga operatiba ng PNP at mga ahente ng National Bureau of Investigation. Pamumunuan umano ito ni Deputy Director Gen. Hermogenes Ebdane. Makakatulong umano ng PNP at NBI ang mga elite units ng military na katulad ng Marines, Navy SEALs, Special Operations Wing ng Air Force at ilang units ng Army. Mga organized crime na tulad ng kidnap for ransom ang tututukan nito.

Ang binuwag na PAOCTF sa kapanahunan ni dating President Estrada ay naging matayog ang lipad at umabuso. May katwirang umabuso sapagkat binigyan ng laya ng nakaraang administrasyon na gumawa ng kung anu-anong kabulastugan. Ang mga miyembro ng binuwag na PAOCTF ay nagmistulang mga asong turuan na kumagat at maghatid ng lasong rabies sa lipunan. Sa isang kumpas ay uupo, tatayo, tatahol at naibabahag ang buntot sa pag-uutos.

Malaki ang pondong nakalaan sa binuwag na PAOCTF samantalang ang mga karaniwang pulis ay walang baril, walang mobile car at kung mayroon man, kakarag-karag na hindi maihabol sa mga kawatan at masasamang loob dahil walang gasolina. Isang pagpapatunay na nagsakripisyo ang mga miyembro ng PNP para mabuhay ang PAOCTF – na ang isinukli ay ang pagkakasangkot naman sa kung anu-anong kontrobersiya. Napakasakit, Ate Glo!

Kung mga operatiba rin ng PNP ang bubuo sa anti-crime, wala rin itong ipinagkaiba sa binuwag na PAOCTF. At hindi kaya maulit ang mga nangyari na? Hindi kaya tumayog ang ihi ng mga magiging miyembro nito kung nakasalang na? Hindi kaya sa isang tao lamang maglingkod ang bagong anti-crime force? Makatitiyak kayang ang poprotektahan ng mga ito ay ang mamamayan na nasa gipit na kalagayan o sila ay magiging mga bantay-salakay na naman?

AIR FORCE

ATE GLO

CHIEF PANFILO LACSON

DACER

DEPUTY DIRECTOR GEN

HERMOGENES EBDANE

PAOCTF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with