^

PSN Opinyon

Sintomas ng breast at cervix cancer

-
Ipagpapatuloy ko ang pagtalakay sa dalawang cancer na karaniwang tumatama sa mga kababaihan bilang paggunita na rin sa buwang ito bilang "International Women’s Month". Ang mga ito ay ang cancer sa suso at cervix.

Narito ang mga warning signs at sintomas ng cancer sa suso: Bukol (lump) sa suso. Kasabay sa pagkakita ng bukol ay ang pagkakaroon ng discharge sa nipple na karaniwan ay dugo. Subalit may mga kaso ng pasyenteng nasuri na hindi kinakitaan ng mga ganitong sintomas.

May mga pagkakataon naman na kakikitaan na lamang ang pasyente ng paglaki ng lymph nodes halimbawa’y sa axilla. Isang palatandaang kumalat na ang cancer.

Ang bukol sa suso ay hindi masakit. Makikita ang bukol sa itaas na bahagi (upper outer quadrant) ng suso. The skin cover the mass may be dimpled or frankly invaded by the cancer leading to reddening, induration and nodular irregularity. Ang bukol ay hindi gumagalaw kaya nararapat na bigyang atensiyon ng doktor sa oras ng physical examination. A very large lump will lead to obvious asymmetry of the breasts. There may be enlargement of the lymph nodes in the axilla which is on the same side of the breast with the abnormal mass. The mobility of the enlarged node should be assest in order to clinically assess the staging of the cancer. The same holds true as far as enlarged lymph nodes in the supraclavicular area.

Ang paglaki ng atay (liver) ay isang masamang palatandaan na kumakalat na ang cancer sa suso. Ang pag-collapse at pagkakaroon ng tubig sa baga (lungs) ay palatandaan ng pulmonary o pleural metastases. Ang pagkalat nito sa buto ay maaari ring makita partikular sa thoracic at lumbar spine.

Ang mga sintomas naman ng cancer sa cervix ay ang sumusunod: pagdurugo ng vagina pagkaraang makipagtalik; abnormal discharge sa vagina; pananakit ng likod na karaniwang kumakalat sa pelvis; ang ihi ay kakikitaan ng dugo o iyong tinatawag na rectal bleeding.

Ang iba pang sintomas ay ang pagsusuka, kawalan ng ganang kumain at di-maipaliwanag na pagbaba ng timbang. Ang pelvic examination ng doktor ay kinakailangan upang malaman kung ang cancer ay proliferative, ulcerative o infiltrative.

It is important to note on examination if the cancer has already spread since this will be very helpful in the selection of treatment.

BUKOL

CANCER

ELICANO

INTERNATIONAL WOMEN

IPAGPAPATULOY

ISANG

KASABAY

MAKIKITA

NARITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with