Belmonte, ika-10 mayor ng Quezon City

ALAS-5:00 ng hapon kahapon nang iproklamang Quezon City Mayor si Feliciano "Serbisyong Bayan" Belmonte sa QC hall na sinaksihan ng maraming empleado, supporters, kaibigan at kamag-anak. Sumaksi rin ang ilang kalaban sa pulitika.

Si Manuel L. Quezon ang unang mayor ng QC, sinundan ito ni Tomas Morato, Ponciano Bernardo, Nicanor Roxas, Ignacio Santos Diaz, Norberto Amoranto, Adelina Rodriguez, Brigido Simon Jr., Mel Mathay at si Feliciano "SB" Belmonte.

Ang pangako ni Sonny sa mamamayan ng QC ay hindi mapapako. Prayoridad nito ang edukasyon, pabahay, medisina, trabaho para sa kanyang mga constituents. Hiling ni Sonny sa mga taga-QC na magsama-sama sila sa ikauunlad ng nasabing siyudad.

Samantala, saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO sa dalawang empleado ng TACO MIO na sina Christian Lolong at Anselma Eramis diyan sa may SM North-EDSA kasi hindi nila pinag-interesan ang cellphone ng isa kong kuwago nang makalimutan sa kanilang lugar. Mabuhay kayo! Maraming salamat mula sa mga kuwago ng ORA MISMO!

Kinulang sa oras ang mga kuwago ng ORA MISMO na mapakinggan ang mga hinaing ng mga miyembro ng Federation of Customs Forwarders and Brokerage (FACFOB) matapos itong ipatawag ni NAIA Customs Collector Celso Templo kasi may reklamo raw sila sa CIDG-Kotong Cop na gumagawa ng milagro sa Bureau of Customs.

Alas-2:00 ng hapon ang pulong pero walang oras ang mga kuwago ng ORA MISMO na hintayin ang kanilang pinag-usapan kasi may deadline ang Chief Kuwago. Pangako mga ’igan, sa Martes ko ikukuwento ang kanilang pinag-usapan.

"Sayang, bitin ang readers ng ORA MISMO tungkol sa opeation Kikil ng mga CIDG-Kotong Cop," sabi ng kuwagong tiktik kalawang.

"Ok lang sa Martes, magandang isyu ito," natutuwang sabi ng kuwagong maninisid ng tahong.

"Busy ang mga kuwago ng ORA MISMO nasa proclamation ni SB gustong mapanood," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Tiyak si SB ang pag-asa ng QC," sabi ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.

"Kaya kailangan nating tulungan si SB."

"Para ano?"

"Para lalong umunlad ang QC."

"Tumpak ka diyan!"

Show comments