Bong di-naghanda kaya natalo ni Ayong?
May 21, 2001 | 12:00am
Sumasaludo ang OK KA BATA! sa mga nanalong kandidato noong nakalipas na May 14 elections partikular kay Quezon City Mayor Sonny Belmonte na bossing namin dito sa Pilipino Star NGAYON at kay Pasay City Mayor Atty. Wenceslao "Peewee" Trinidad.
Para naman sa mga talunang kandidato partikular na sa Cavite, pasensya na kayo, nagpadaya kayo este, hindi kayo gusto ng taumbayan. Sabi nga ni Erap "weder-weder" lang ‘yan, may susunod pa namang eleksyon ng Barangay sa year 2003 baka sakaling maging barangay chairman kayo o kaya naman kagawad.
Sa Cavite, hindi umubra ang kaguwapuhan ni Bong Revilla kay Tandang Ayong Maliksi ng Magdalo Party na ngayo’y tiyak nang governor ng nasabing lalawigan. Hindi kasi pinaghandaan ni Bong ang kumalat na balitang may mangyayaring himala sa election. Alam na ninyo ‘yon mga kabayan.
Inunder-estimate nina Bong at Lani Mercado-Revilla sa Bacoor ang kalaban dahil kayang-kaya raw nilang ilampaso. Ang masakit nito sila ang inilampaso ng tinaguriang "Abrakadabra" ng angkan at kapanalig ni Remulla.
Ultimo mga bagong kabataang botante ay hindi sang-ayon sa naganap na botohan sa Cavite partikular na sa Bacoor dahil ang mismong mga taga-suporta ng Magdalo Party umano ay bukambibig na nagkaroon ng "magic". Pero wala na kayong magagawa mga p’re dahil tapos na ang laban.
Noong panahon ni dating President Fidel V. Ramos ay siniguro niyang mananalo ang kanyang manok na si Epimaco Velasco bilang governor ng Cavite. Ginawa ito sa pamamagitan ng pagbalasa ng lahat ng municipal treasurer na inilipat pansamantala sa Laguna ilang linggo bago sumapit ang 1992 elections.
Kasama sa isinagawang pagbalasa ay ang hanay ng kapulisan at mga opisyal ng provincial election registrar kaya hindi alam ang gagawin ni dating Gov. Johnny Remulla sa ginawang pagbalasa at siguradong hindi siya makapalag. Hindi gumagasta ng milyon si Remulla pero noong maging kalaban si Velasco, may kumalat na balita na multi-milyon piso ang ginastos nito sa kampanya.
"Nagbalimbingan" din mula sa kampo ni Remulla ang ilang loyal na mga tauhan partikular na ang chief security nito.
Mahirap kalabanin mga kabayan ang dating Presidente lalo pa’t graduate ng West Point Academy.
Ang malawakang pagbalasa ng mga municipal treasurer at ilang opisyal sa Cavite ang nakalimutan siguro ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Ang municipal treasurer at ilang opisyal sa nabanggit ng lalawigan ang humahawak ng mga ballot boxes. Nalimutan sigurong ipag-utos kay Interior Sec. Joey Lina?
O, Sige mga katotong talunan, sa susunod na barangay election na lang kayo bumawi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am