^

PSN Opinyon

Sindikato ni Acedillo may kasabwat sa WPD

-
Bago ko talakayin ang paulit-ulit na modus operandi ng grupo ni Ivan Lysol Acedillo, bomoto kayo ng maaga ngayon. Ipaglaban natin ang karapatang bomoto ng malaya at ayon sa dikta ng konsensiya.

Isang reklamo na naman mula sa isang babae ang natanggap ng OK KA BATA! hinggil sa modus operandi ng grupo ni Ivan Lysol Acedillo na patuloy pa ring nakapagre-recruit kahit na ito’y nakakulong sa maximum security cell 3-A sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon sa reklamo, aabot na raw sa 300 applicants ang na-recruit ni Acedillo at naghihintay ng visa patungong Brunei upang magtrabaho sa Centrept Hotel.

Ginagamit umano ni Acedillo si Corazon Ventura ng Falcon Ville. Bgy. Parian, Calamba, Laguna sa pagre-recruit.

Ayon sa isang nagreklamo na hiniling na itago ang kanyang pangalan, hinihingan daw sila ng P3,000 bawa’t isa upang mag-training at pagkatapos nito’y maaari na silang magpa-despedida party dahil malapit na nga silang umalis.

Baka sa Miss Brunette Disco club sa Roxas Blvd., Pasay City kayo dalhin ng mga hinayupak na tauhan ni Acedillo.

Sa mga kababaihan na na-recruit sa lihim na opisina ni Acedillo sa M.E.I. sa 2464 Singalong St., Malate, Maynila dapat ay sabay-sabay kayong magtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Taft Avenue.

Magdala na kayo ng kopya ng Pilipino Star NGAYON na isyu noong Mayo 4 at 14, 2001. Ipakita ninyo ito sa mga ahente ng NBI.

Huwag ninyong kalilimutang ipagbigay alam sa OK KA BATA! ang resulta ng inyong reklamo. Okey ba mga nagrereklamong kababaihan?

At kung maaari, huwag na ninyong ipaaabot ang reklamo sa General Assignment Section ng Western Police District (WPD) at baka magkaroon ng "cash-sunduan" sa pagitan ng sindikato at ilang tiwaling opisyal ng pulis-WPD. Ito ay sapagkat milyong piso ang hawak ng mga itong sindikato.

Nakalap ng OK KA BATA! na protektado raw itong grupo ni Acedillo at Ventura ng ilang tiwaling opisyal na pulis-WPD kaya hindi mabuwag-buwag.

Pinakamabuti rin na huwag na kayong magbigay ng pera sa mga tauhan ni Acedillo bilang training fee at walang mangyayari rito. Magsisisi lamang kayo. Huwag n’yong sisisihin ang OK KA BATA! sapagkat maraming beses na kayong binalaan.
* * *
Para kay Dr. Paulo Campos ng Medical Center Manila (MCM), humihingi ng paumanhin ang OK KA BATA! sa mga binitiwang maaanghang ngunit walang bahid na malisyang pananalita noong Feb. 23, 26 at March 7 na nakasugat ng inyong damdamin. Nais lamang ng inyong lingkod na ipahayag ang reklamo ng mga magulang ni Jimboy Magtalas na nakaranas ng di-umano’y pang-aapi sa inyong pagamutan.

Ang OK KA BATA! ay isa sa mga column na bumabatikos sa mga taong di-umano’y nanggigipit sa mga kabataan lalo na ang menor-de-edad at kapag may nagpaabot pa ng reklamo ang sinumang kamag-anak ng pasyente sa alinmang ospital ay hindi mangingiming muling isiwalat ng OK KA BATA! ang pangyayari.

ACEDILLO

AYON

BATA

CENTREPT HOTEL

CORAZON VENTURA

IVAN LYSOL ACEDILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with