^

PSN Opinyon

May utang na loob kay Abalos

-
Mukhang may basehan ang kahilingan ni dating Mandaluyong City Vice Mayor Ernesto ‘‘Bibot’’ Domingo sa Commission on Elections (Comelec) na i-disqualify itong si City prosecutor Pablo Gahol bilang vice chairman at member ng Board of Canvassers (CBC) ng siyudad sa darating na May 14 elections. Ito kasing bahay ni Gahol sa Bgy. Mauway ay ginawang campaign headquarters ni incumbent Mayor Benhur Abalos kaya hindi maialis sa isipan ni Domingo at mga kaalyado na hindi magiging parehas ang desisyon niya sa gaganaping election sa Lunes.

Inilakip din ni Domingo sa kanyang sulat kay Comelec chairman Alfredo Benipayo ang mga litratong kuha sa bahay ni Gahol na namulaklak ang mga campaign materials ni Abalos at ng kanyang mga partymates. Ibig sabihin nito, talagang ‘‘highly partisan’’ na si Gahol kay Abalos, di ba mga suki? Kung sabagay, hindi rin naman itinatago ni Gahol na ang ama ni Abalos na si Benjamin Abalos Sr., ang chairman ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang nagrekomenda sa kanya sa puwesto. Si Gahol ay nanungkulan ding konsehal ng siyudad noong 1987 to 1992 at tumakbo ito sa partido ni Abalos Sr., kaya may utang na loob siya sa pamilyang Abalos.

Nitong mga nagdaang araw itong si Gahol ay aktibong nakikita sa mga political meetings, campaigns, rallies, parades, at sorties ni Abalos na nagtulak kay Domingo para sumulat kay Benipayo. Dahil may agam-agam sa pagka-neutral ni Gahol dapat kusa itong mag-inhibit sa CBC para walang reklamo ang kampo ni Domingo kapag natalo siya.

Pero ang balita ko, walang balak si Gahol na paunlakan ang kahilingan ng kampo ni Domingo dahil sa tingin niya nararapat lamang siya sa puwesto sang-ayon sa ating Saligang Batas. Ang siste nito, inamin ni Gahol na naging campaign headquarters ni Abalos nga ang kanyang bahay. Pero hindi umano siya ang may kasalanan kundi ang kanyang apo na si Vincent Gahol Santos.

Si Santos ay Sangguniang Kabataang chairman sa Bgy. Mauway at kaalyado ni Abalos. Nagkataon lang umano na magkasama sila ng bahay ng kanyang apo, ani Gahol. Kung sabagay, may katwiran din itong si Gahol. At sa tingin ko itong si Benipayo sa ngayon ang nailagay sa alanganin. Pero dapat magdesisyon kaagad si Benipayo para magiging malinis at mapayapa ang eleksiyon sa Mandaluyong.

ABALOS

ABALOS SR.

ALFREDO BENIPAYO

BENIPAYO

BENJAMIN ABALOS SR.

BGY

BOARD OF CANVASSERS

DOMINGO

GAHOL

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with