ALAY-DANGAL - Bagong paraan ng pagmamahal
May 13, 2001 | 12:00am
Dahil sa karahasan at mga pagsira na naganap noong Mayo 1, nagkaroon ng malalim na poot sa mga isip at puso ng mga tao. Totoo rin ito pagkat panahon naman ng elections. May mga taong namamatay dahilan sa silay mga kandidato o di-kayay mga tagasuporta ng isang kandidato. May ibang pamilya ng mga biktima na nagpaplano ng paghihiganti. Datapwat tayoy mga Kristiyano.
Sa Ebanghelyo ngayong ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, sinasabi sa atin ni Jesus na binibigyan niya tayo ng bagong utos. Magmahalan kayo," sabi niya, gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Narito ang Ebanghelyo mula kay Juan (Jn. 13:31-35).
"Pagkaalis ni Hudas ay sinabi ni Jesus, Ngayoy mahahayag na ang karangalan ng Anak ng Tao; at mahahayag din ang karangalan ng Diyos sa pamamagitan niya. At kung mahayag na ang karangalan ng Diyos, ang Diyos naman ang maghahayag ng karangalan ng Anak, at gagawin niya ito agad. Mga anak, kaunting panahon na lamang ninyo akong makakasama. Hahanapin ninyo ako; ngunit sinasabi ko sa inyo ngayon ang sinabi ko sa mga Hudyo, Hindi kayo makapupunta sa paroroonan ko. Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo; mag-ibigan kayo! Kung paanong iniibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo. Kung kayoy mag-ibigan, makikilala ng lahat na kayoy mga alagad ko.
Si Mother Teresa at kanyang mga madre ay nagtrabaho sa Calcutta, India, sa mga pinakadukha. Kinukupkop nila ang mga batang-lansangan na walang tirahan. Pinaliliguan nila ang mga ito. Pinakakain. Ang mga matatandang maysakit ay kanilang dinadala sa kanilang silid-pagamutan. Ang mga madreng ito ay literal na ginagampanan ang bagong utos ni Jesus: Ang magmahal gaya ng pagmamahal ni Jesus.
Ang mga taong kanilang tinutulungan ay yaong mga di-kanais-nais sa lipunan, mga hindi minamahal. Ang mga madre ay naglilingkod na hindi naghahanap ng anumang kapalit. Milyun-milyong mga tao sa India ay hindi mga Kristiyano. Ngunit alam nila at kanilang nakikilala kung sino ang mga Kristiyanong tagasunod ni Jesus. Si Mother Teresa at ang kanyang mga madre ay mga laman at dugong halimbawa ng pagmamahal at pag-aaruga ni Jesus. At mga di-nananalig at mga walang kinikilalang Diyos ay nakukumbinsi at nabibigyan ng aral hinggil sa pagmamahal na ipinapahayag ng Ebanghelyo. Pagmamahal na ipinapahayag ni Jesus. Pagmamahal na nais ni Jesus magkaroon ang kanyang mga alagad.
Ang uri ng pagmamahal na ito ang tugon sa karahasang kinakaharap ng ating bansa ngayon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest