^

PSN Opinyon

Bigyang-halaga ang mga guro tuwing election

-
Tuwing election, ating masasaksihan ang sakripisyo at pagbubuwis ng buhay, pagtitiyaga at dedikasyon ng ating mga hinahangaang guro sa kanilang gampanin mula ala-6 ng umaga hanggang madaling araw. Ginagampanan nila ang pinakamahalagang responsibilidad sa pagtataguyod ng mapayapa at malinis na eleksiyon. Sa mga nakaraang election, ilang buhay na rin ang nasayang sa gitna ng mainit na labanan sa pulitika sa ilang mga probinsiya.

Mabuti na lamang at nagkaroon ng magandnag pag-uusap ang Comelec at DECS na itaas ang sahod ng guro sa araw ng election. Lubhang mahirap ang kinahaharap nilang gampanin upang siguraduhing maayos ang pagboto at maging mabilis at malinis ang bilangan.

Naging intensyon ng ating batas at pamahalaan na gamitin ang mga guro sa proseso ng mismong araw ng election dahil sa ating pagkilala sa kanilang kasipagan, tiyaga, dedikasyon, galing at bilang mga ehemplo ng mga magandang asal. Ang katangiang ito ang magtitiyak ng kaayusan ng takbo ng election.

Naniniwala akong sa pamumuno ni DECS Sec. Raul Roco, ang kapakanan ng ating mga guro ay mabibigyan ng lubusang atensyon. Ang kanilang hinaing na itaas ang suweldo at ibigay ito sa oras pati ang kanilang mga benepisyo ay mabibigyan ng kaukulang konsiderasyon.
* * *
Pagkatapos ng tatlong buwang pangangampanya, ipapahayag na ng taumbayan ang ating mga napiling mamumuno sa ating mga lokal na pamahalaan at lehislatura. Ipagdasal natin ang pamamayani ng kapayapaan at kalinisan ng election, ngayon. Maitanghal lamang ang mga kandidatong may pusong tunay na naising magsilbi sa bayan, malinis na intensyon at may matatag na prinsipyo na labanan ang corruption.

ATING

COMELEC

ELECTION

GINAGAMPANAN

IPAGDASAL

LUBHANG

MAITANGHAL

RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with