Masama bang maligo kapag may 'mens'?
May 6, 2001 | 12:00am
Mahigpit na ipinagbabawal ng mga nanay at lola sa mga kabataang babae na huwag na huwag silang maliligo kapag may regla dahil silay maloloka. Ito ay maling paniniwala ng matatanda at pinabulaanan ng Department of Education Culture and Sports (DECS) na kamakailan ay naglunsad ng School Childrens Feminine Hygiene Awareness Week para sa mga batang babae na umeedad ng 10 at 11 na nagsisimula nang magkaroon ng monthly period o regla.
Ang educational campaign na ito ay naghahanda sa mga kabataang babae upang linawin ang maling kaisipan tungkol sa pagreregla. Gaya ng paniniwala na ang paliligo kapag may mens ang babae ay nakababaliw. Napag-alaman na maraming batang babaing mag-aaral na nagkaroon ng mens na tumatakbo at nagkukulong sa bathroom at umiiyak, nahihiya at nangangamba habang tinitingnan ang unang spot of menstrual blood.
Namahagi ang DECS ng mahigpit sa 100,000 information kits para sa mga guro, mag-aaral at school nurses na tinawag na starting right na nagsasaad ng kahalagahan ng paliligo araw-araw habang nireregla gayundin ang proper diet, pamamahinga, pagtulog sa tamang oras, pag-eexercise, good grooming, hygiene habits, sanitary protection and socialization sa panahon ng pagreregla.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended