^

PSN Opinyon

Ang mga 'foreign bodies'

-
Wala akong maisip na katumbas sa Tagalog ng "foreign bodies" maliban sa tawagin ko ang mga itong "estrangherong bagay" na nagbibigay problema sa katawan. Ito ang pagtutuunan ng pansin ng column na ito ngayon.

Ang foreign body na pumasok sa loob ng ilong ay kailangang ipaalam kaagad sa doktor upang mabigyan ng kaukulang medical attention. Kung ang bagay na pumasok sa ilong ay matulis, maaari itong makapinsala sa tissue. Mahihirapang huminga ang taong may foreign body sa kanyang ilong, maaaring magkaroon ng pagdurugo o discharge sa mga nostrils o maaaring mamaga ang mga ilong. Kung mangyayari ang ganito, payuhan ang pasyente na huminga sa kanyang bibig at dalhin sa doktor upang mabigyan ng medical attention.

Ang foreign body na pumasok sa taynga ay madalas na nangyayari sa mga bata. Kung magkakaganito huwag ninyong pagpipilitang alisin ang bagay na pumasok sa taynga sapagkat maaari itong magbigay ng kapinsalaan sa eardrum. Nararapat na mabigyan siya ng medical attention sa lalong madaling panahon sapagkat maaaring maaapektuhan ang kanyang pandinig. Makadarama siya ng pananakit at discomfort.

Ang foreign bodies sa mata ay karaniwang nararanasan ninuman. Ang pilikmata, alikabok at buhangin ay maaaring pumasok sa eyelid o sa mismong eyeball. Bagamat nakapagbibigay ito ng discomfort at magbibigay hapdi at pamumula sa mata, madali namang alisin ang mga foreign bodies na ito. Gayunman kung ang mga foreign bodies na nabanggit ay bumaon sa eyeball o sa iris, huwag itong pipiliting alisin. Discourage the patient from rubbing the eye and if possible, sit the victim in a chair and ask him to lean the head back. Examine the patient’s eye, supporting the chin with one hand and using the other hand index finger and thumb) to open the eye wide by stretching the upper and lower lid, and ask the patient to move the eyeball more effectively.

Kung ang foreign body ay nakita na, alisin ito sa pamamagitan ng paghuhugas ng malinis na tubig. Kung walang tubig, gumamit ng moistened swab. If the foreign body is embedded on the iris try to cover the eye with a sterile dressing (ideally an eyepad) and secure it in place, ensuring that there is not too much pressure applied to the eyeball and bring him to a hospital.

Ang foreign body na nalulon, lalo kung ito ay matulis ay makababara o makapipinsala sa gastro-intestinal tract. Huwag magtatangkang pasukahin ang pasyente upang mailabas ang nalulon sapagkat makapipinsala lamang at magbibigay ng panganib. Dalhin sa ospital ang pasyente upang mabigyan ng kaukulang medical treatment.
* * *
Binabati ko si German "Kuya Germs" Moreno sa inagurasyon ng kanyang Master Showman video rental shop sa Granada St. kamakalawa. Ito ay matatagpuan malapit sa gate ng Sampaguita Pictures sa Greenhills.

FOREIGN

GRANADA ST.

KUNG

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

SAMPAGUITA PICTURES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with