^

PSN Opinyon

Dating PSC Commissioner kakandidato, may ibubuga raw?!?!

-
Sa mga pro-Erap at diehard fans ni dating President Joseph Estrada na nagsimulang manggulo sa EDSA Shrine at iba’t ibang panig ng Metro Manila kahapon, magsitigil na kayo! Ningas-kugon lamang ‘yan at lilipas din.

Hindi maaari ang ningas-kugon sa ganitong panahon na nalalapit na ang May 14 elections.

Siguruhin ninyong makaboto sa darating na election dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng mga kabataan, okey?

Pagtuunan naman natin ang isa sa anim na congressional bet sa Bacolod City na si dating Philippine Sports Commissioner Monico Puentevella na closest rival ni incumbent Congressman John Orola Jr.

Ang lakas daw ng loob nitong lumaban dahil may ibubuga sa larangan ng ano? Subalit may katotohanan kaya ang nakuhang impormasyon ng OK KA BATA! na itong si Puentevella ang most travelled na PSC commissioner sa buong kasaysayan ng sports na hindi nakapagli-liquidate ng P144,363,000. Paki-eksplika nga Sir Puentevella sa inyong mga taga-lalawigan kung papaano nangyari ang ganoon? Kasi malabo pa raw hanggang ngayon sa Ombudsman. Isa raw sa malimit na bisitahin ni Puentevella ay ang Bacolod City dahil sa may balita nga na kakandidato ito bilang congressman at nakikipagpulong na sa mga barangay official at councilors noong Jan. 30, 1999.

Ang masakit nito mga Kabayan, ginagamit daw ni Puentevella ang pondo ng Batang Pinoy bilang excuse sa personal travel nito. May katotohanan ba ito?

Bumili rin daw ito ng mamahaling cellphone na nagkakahalaga ng P33,765.00 na ayon sa impormasyon ng OK KA BATA! ay limitado ang ganoong halaga sa isang opisyal ng gobyerno.

Paki-eksplika rin ang paglahok ninyo sa 6th Sugar Tee Golf Tournament sa Para-Para Golf and Country Club, Bacolod City na ang ginamit na pondo ay mula PSC. Ito raw ay personal at hindi dapat pondohan ng gobyerno.

Isama na ring ipaliwanag sa taumbayan ang illegal transfer ng inyong travel allowance sa inyong kapatid na si Ma. Jose Puentevella na nagkakahalaga ng P7,896.00 at marami pang iba.

Noong Oct. 17, 2000, nalathala sa isang pahayagan ang kaso ng mga PSC officials na binusisi ng Ombudsman na may katiwalian. Isa rito si Puentevella sa kasong graft and corruption. Sir, ano ang masasabi ninyo sa taumbayan? Totoo o hindi?

Hindi rin daw napakinabangan ang personal ninyong pagpunta sa Wimbledon Tennis Championship na ginastusan ng malaking pondo ng gobyerno. Totoo ba Sir?

Sa mga lehitimong botante ng Bacolod City, paki-busisi muna ang inyong ipupuwesto sa Kongreso dahil kapag nagkamali kayo siguradong malalagay sa kangkungan ang inyong lalawigan.

BACOLOD CITY

BATANG PINOY

CONGRESSMAN JOHN OROLA JR.

ISA

JOSE PUENTEVELLA

METRO MANILA

NOONG OCT

PAKI

PUENTEVELLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with