Mga kalaswaan sa radyo
April 18, 2001 | 12:00am
Pinuna ko na noon ang mga malalaswang kanta sa kasalukuyan. Bagamat marami ang sumang-ayon sa aking pagpuna, wala ring aksyon ang mga kinauukulan kaya patuloy pa rin ang pagre-recording ng mga awiting may double meaning.
Kamakailan isa na namang hindi magandang gawain ang aking natuklasan. Habang akoy nag-aalmusal narinig ko ang radio program ng isang kilalang network na sobrang malaswa ang pinagsasabi ng mga lalaking announcers. May tinatawag silang Mael na animoy isang paslit pero sa salitang kanto at bastos sa pandinig ang sinasabi at kinakanta. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig at nasabi ko sa aking sarili na sobra naman silang presko at abusado at hindi nila inalintana na may mga babae, matatanda at mga kabataan na nakaririnig sa kanila.
Ang Mael na iyon ay may tinatawag na Tito Raul at ang Tito ay ginagawa niyang double TT at habang nagpapaalam ay hindi babye kundi baba,e,e,e ang sinasabi niya na sinasabayan ng hagikgik na malaswa.
Ang sumunod na set ng broadcasters naman ay may kasamang isang announcer na Bisaya na kapag nagagalit ay magugulat ang mga radio listener sa animoy nagmumura niyang sigaw na ang tunog ay pu ina mo. Sa kabilang station naman ay may announcer na nagboboses ng maraming kilalang personahe. Isa sa kuhang-kuha niyang gayahing boses at pananalita ang isang mayor ng Laguna na ngayon ay nakabilanggo sa Muntinlupa. Marami rin siyang kabastusan sa ere pero agad naman niyang binabawi sa pamamagitan ng mga positibong pananaw ng mga kasanib ng kanyang gabinete.
Kaugnay nito ay nagbalik sa aking alaala ang mga sinabi ng yumaong si Mr. Francisco Kaka Trinidad, ang father ng Philippine Radio, tungkol sa responsible broadcasting. Ayon kay Mr. Trinidad, sakrilehiyo ang paglaruan ang ere at magsalita ng masama. Responsibilidad ng isang lehitimong broadcast practitioner na maging makatotohanan, magalang, may kredibilidad at alam ang moral values at isiping ang ere ay libre kaya kahit sino ay puwedeng makinig sa radyo.
Tinatawagan ko ang mga radio station managers na bantayan, pagsabihan at parusahan ang mga bastos na announcers ng kanilang himpilan. Hindi sila mabuting halimbawa lalo na sa mga kabataan. Isipin nila na layuninng broadcasting ay information, education, entertainment and public service. Maging responsable naman kayo. Puwede ba?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest