PAOCTF office 'haunted house' na
April 6, 2001 | 12:00am
Tama lang ang ginagawa ni Director Hermogenes Ebdane, hepe ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) na burahin ang imahe na ang opisina nila sa Camp Crame ay isang fortress kung saan pinaplano ang masasamang gawain para supilin ang mga kalaban ng gobyerno.
Sa mga naglalabasan ngayon sa radio, diyaryo at telebisyon, itong PAOCTF office ay para bang isang haunted house na at kung hindi kaagad magagawa ng paraan ni Ebdane hindi magiging maganda ang impresyon ng sambayanan.
Pero kung tutuusin, marami sa mga opisyal ng pulisya at mediamen ang nakausap natin ang nagsasabing naiiba na ang mga rules and regulations na umiiral ngayon sa PAOCTF di tulad noong kapanahunan ng pinatalsik na si President Estrada. Maaaring security conscious pa rin ang mga guwardiya roon na taga-Special Action Force ng (SAF) Philippine National Police (PNP) pero mararamdaman umano ang ambiance sa pag-apak pa lamang sa loob ng PAOCTF compound. At sa tingin nila maraming tao ang labas-masok sa PAOCTF compound kumpara noong panahon ni Estrada kayat magandang mensahe ito. Ibig sabihin lamang niyan, marami na ang gustong magreklamo o dili kayay magbigay ng impormasyon para malutas na ang mga sensational crimes, tulad ng kidnapping-for-ransom.
Sa kasalukuyan, skeleton force lamang ang gumagana sa PAOCTF dahil inalis na ang mahigit 400 miyembro nito para alisin ang akusasyon na nangangampanya ang mga ito para sa kandidatura ng kanilang dating hepe. Pero maraming trabaho silang inaasikaso kayat dapat madaliin ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza ang request ni Ebdane na punuan ang humihingalong roster nila.
Sinabi ni Ebdane na wala ng ibang paraan pa para mabura ang masamang imahe ng PAOCTF kundi performance, performance at performance pa. Kasi nga kung sobra-sobra na ang kanilang performance siguro mapupuna rin ng sambayanan na naiiba na nga ang PAOCTF ngayon kesa noon.
May punto si Ebdane dito ah! Kaya wag kayong magtaka kung makikita nyong nagkanda-ugaga ang mga taga-PAOCTF sa kanilang mga trabaho. May gusto silang patunayan na naiiba itong gobyerno ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na maayos ang trabaho at hindi tulad noon na ang akala ng mga miyembro ng PAOCTF ay mataas ang antas sa kanilang kapwa pulis.
Kahit napipintong buwagin na ni GMA itong PAOCTF, dapat suportahan niya ang nalalabing oras nito dahil trabaho lang ang gusto nila. Ika nga kahit naghihingalo na sila, trabaho at reconciliation pa rin ang laman ng utak at hindi personalan na siyang nagiging ugat ng demoralisasyon sa hanay ng PNP noon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest