^

PSN Opinyon

Problema sa pandinig (Ikatlo sa serye)

-
Si Dr. Eduardo Go, ang nag-introduce sa Pilipinas ng proper management of hearing loss. Siya ay kasapi ng Canadian Hearing Instrument Practitioner Society, International Hearing Society at Philippine Medical Association. Kasalukuyan siyang medical hearing consultant ng Hi-Tech Hearing Center Inc. na kung saan matatagpuan ang pinakamaliit na hearing aid. Ang mga taong may problema sa pandinig ay makikitang wala ng pinangangambahan at ganap na may tiwala sa sarili. Malaya silang makagagalaw na tulad ng isang normal na tao at maligayang makapamumuhay sa larangang kanilang ginagalawan.

Ang advance technological facility ng klinika ni Dr. Go ay natatangi at nang anyayahan niya ako sa kanyang klinika at ilibot doon hindi ako makapaniwala sa nasaksihan. Makabago ang mga kagamitan doon. Nakita ko roon ang isang pasyente ni Dr. Go na sinusukatan ng maliit na hearing aid. Pinapili ni Dr. Go ang pasyente sa hanay ng mga hearing aid na may iba’t ibang sizes and colors. Napili ng pasyente ang kulay asul. Isinuot ito sa kanya.

Pinatingnan sa akin ni Dr. Go. Parang magic ito. Walang mapupunang nakakabit sa taynga ng pasyente. ‘‘Now you see it, now you don’t, sabing nagtatawa ni Dr. Go na malaki ang pagkakahawig sa international actor na si Jackie Chan. (Itutuloy)

vuukle comment

CANADIAN HEARING INSTRUMENT PRACTITIONER SOCIETY

DR. EDUARDO GO

DR. GO

HEARING

HI-TECH HEARING CENTER INC

INTERNATIONAL HEARING SOCIETY

ISINUOT

ITUTULOY

JACKIE CHAN

PHILIPPINE MEDICAL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with