^

PSN Opinyon

Banat ni Batuigas:Abalos vs. Domingo'neck-to-neck" lang ?

-
Painit nang painit ang labanan sa pulitika sa Mandaluyong City na kung patuloy na babalewalain ni Mayor Benhur Abalos ang kasalukuyang sitwasyon ay maaaring may ‘‘tulog’’ siya sa darating na May 14 elections. Sa tingin ko, sobra ang tiwala ni Mayor Abalos na siya na nga ang pipiliin ng tao sa darating na election dahil sa ginampanan niyang papel noong EDSA 2 uprising. Pero kung tatanungin naman ang kampo ng kanyang kalaban sa pulitika na si dating Vice Mayor Ernesto ‘‘Bibot’’ Domingo ‘‘neck-to-neck’’ lang ang laban. At habang palapit nang palapit ang eleksiyon, parami nang parami at palaki nang palaki ang mga ‘‘bombang’’ binibitiwan ni Domingo para nga makumbinsi niya ang 120,000 botante ng siyudad na huwag suportahan ang kandidatura ni Abalos. Pero ang tanong, may epekto kaya?

Sa katunayan hindi pa nga tapos ang isyu ukol sa 600 private army ni Abalos at heto na naman si Domingo at nagpakawala ng bagong isyu at tungkol naman ito sa P132.5 milyon na unliquidated cash advances ng local government. Ang Commission on Audit (COA) na mismo ang nakatuklas ng unliquidated cash advances ni Abalos at P109.8 milyon dito ay mula sa general fund, P10.2 milyon sa special education fund at ang natirang P12.54 milyon ay sa trust fund. Dalawang beses umanong sumulat ang COA kay Abalos, noong Dec. 6, 1999 at Jan. 31, 2001, at pinapakiusapan siya na iliquidate na kaagad nila ang kanilang outstanding cash advances subalit hindi nila ito tinugunan, ani Domingo. Aba, masyadong seryoso ang akusasyon na ito na dapat lang sagutin kaagad ni Abalos no?

Biglang kinondena naman nitong si Celso Arsenal, dating banker at residente ng barangay Hagdang Bato Libis si Abalos at tahasang sinabi na hindi na dapat magtaas pa ng realty taxes ang pamahalaang local kung maayos lamang ang pag-manage niya ng kaban ng siyudad. Oo nga naman.

‘‘They raise our taxes and then we will find out that we will not be able to benefit from them as our hard-earned money were already lost through these unliquidated cash advances,’’
ani Arsenal. ‘‘This is like a twin robbery.’’ May suspetsa pa ang kampo ni Domingo na dito sa nawawalang pera na ito kinuha ni Abalos ang pondo para suportahan o pang-suweldo niya sa kanyang private army na umano’y pinangungunahan ni SPO1 Felipe Lim Jr., ang hepe ng anti-vice task force. Totoo kaya ito?

Kung umasta kasi ang mga private army ni Abalos ay sobra pa sa mga pulis kaya’t nangangamba ang kampo ni Domingo na gagamitin ang mga ito para i-harrass o i-intimidate ang kanyang mga supporters na huwag nang bomoto sa May 14. Aba hindi tama ’to? Kaya ang panawagan ngayon ni Domingo sa kanyang mga supporters, huwag nilang ipikit ang kanilang mga mata sa darating na halalan. Hindi na sila papayag na ang nangyaring ‘‘dayaan’’ noong 1998 ay maulit pa, ani Domingo.

ABALOS

ANG COMMISSION

ARING

CELSO ARSENAL

DOMINGO

FELIPE LIM JR.

HAGDANG BATO LIBIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with