^

PSN Opinyon

Naka-isa si Erap

-
Mabilis talaga ang Pinoy sa patawa. Nang mabalitang tumakas si Norberto Manero, kumalat din agad ang joke na hindi raw si Joseph Estrada ang pakay niya. Kasi raw, hindi pag-aaksayahan ni Manero ng panahon si Erap dahil utak ng tao ang paborito niyang pulutan. Sus!

Mautak nga ’tong si Erap, e. Naisahan niya ang hustisya. Napabusalan niya sa Korte Suprema ang Ombudsman sa pagyakyak tungkol sa mga plunder cases niya. Pero siya naman, panay ang yakyak tungkol dito. Panay ang ikot sa mga probinsiya para ibintang sa Rich People’s Power, sa mga mayayaman ng Makati, ang kanyang pagbagsak. Parang nanghihikayat na mag-rebolusyon ang mahihirap para sa kanya. Naghakot pa ng taga-tsutsuwa ng ‘‘Erap pa rin’’ sa Smokey Mountain, para pamukhaan si Presidente Gloria Arroyo na kesyo mas-sikat siya.

Nagpapa-diyaryo pa. Kesyo bulaan daw sina kababatang SSS chief Chuckie Arellano at taga-kampanyang GSIS head Federico Pascual nang sumumpang inutusan niya silang ipambili ang pera natin ng Belle Corp. shares niya. Nagbulaan din daw sina cronies Mark Jimenez at Willy Ocier nang sumumpang nag-kickback siya ng P190 milyon sa deal. Imposible raw iyon. Investment departments daw ng SSS at GSIS ang nag-approve ng bilihan. At wala raw katibayang binulsa niya ang pera.

Pero ang di-mapaliwanag ni Erap ay kung papaanong pumasok ang tsekeng P190 milyon sa Equitable-PCI Bank account ni alyas Jose Velarde. Nauna rito ang tsekeng P126 milyon na inutang niya kay Jimenez habang hindi pa dumarating ang P190 milyon. Alam naman ng madla kung sino si Velarde. Tumestigo sina Clarissa Ocampo at Manuel Curato sa Senado na pumirma si Erap ng ganoong alyas isang dipa lang mula sa kanila. At di rin mapaliwanag ni Erap kung bakit meron pa siyang $3 milyon sa Allied Bank sa ilalim din ng alyas Velarde.

Ipit si Erap dito. Ika nga, ang isda’y nahuhuli sa sariling bunganga. Oo nga, ano. Tiyak hindi nga si Erap ang pakay ni Manero na pulutanin.
* * *
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

vuukle comment

ALLIED BANK

BELLE CORP

CHUCKIE ARELLANO

CLARISSA OCAMPO

ERAP

FEDERICO PASCUAL

JOSE VELARDE

JOSEPH ESTRADA

KORTE SUPREMA

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with