^

PSN Opinyon

Bayan ang natatalo sa 'Live Show'

-
Nabahala ako sa ipinakikitang reaksiyon ni Dr. Nicanor Tiongson at ng kanyang mga kasama dahil sa pagkakasibak sa kanya bilang chairman ng MTRCB dulot ng pelikulang ‘‘Live Show’’. Lalong naging matindi ang pagtatalakayan ng mga nasasangkot dito na pinangungunahan ni Tiongson at ng mga tinatawag nilang concerned artists na kinabibilangan ng ilang mga director at mga artista sa pelikulang Pilipino.

Ipinagsisigawan nina Tiongson na nilabag daw ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang kanilang freedom of expression, pagkitil sa pagpapaunlad ng art at ang pakikialam umano ni Cardinal Sin sa tungkulin ng MTRCB. Sa nangyayaring ito, naghahati-hati pati na ang mga artista sa pagtugaygay sa nasabing kontrobersya. Nasaksihan ko ito sa nakaraang Urian Award na may mga artistang harapang ipinakita na laban sila sa ginawang aksyon nina GMA at Sin. Marami rin naman doon ang sumuporta kay GMA at kay Sin.

Sabihin na natin na may katwiran sina Tiongson at ang mga concerned artists na ipaglaban ang kanilang pinaniniwalaang adhikain, ngunit dapat nilang isaalang-alang ang kabutihan ng higit na nakararami sa lipunan na katungkulan ng Simbahan at ng pamahalaan upang maiiwas ang lahat sa kapahamakan. Katungkulan din nina Tiongson na harapin ang katotohanan na may hangganan din kung anuman ang kanilang pinaniniwalaang pilosopiya.

Bilang isa ring maituturing na concerned artist, ako ay umaasa na sana ay huwag nang humaba pa ang hindi pagkakaunawaan ng magkabilang-panig sapagkat ang ganitong iringan ay hindi makapagdudulot ng kabutihan at karangalan sa ating bansa na sa kasalukuyan ay bumabangon pa lamang sa pagkakalugmok.

BILANG

CARDINAL SIN

DR. NICANOR TIONGSON

IPINAGSISIGAWAN

KATUNGKULAN

LIVE SHOW

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TIONGSON

URIAN AWARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with