^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dakpin si Manero

-
Onli in da Pilipins lamang na may bilanggong malayang nakagagalaw sa piitan, may komportableng kulungan, nakagagamit ng babae, nakapagpapasok ng droga at meron pang napapardon ng Presidente ng Pilipinas. Hanep pero totoo. Ang mas matindi ay may bilanggo pang nakatatakas dahil tinutulungan ng mga kaibigang maiimpluwensiya. Kabilang dito si Norberto Manero ang kriminal na pumatay sa Italian priest na si Tulio Favali noong 1985. Binaril ni Manero at ng mga kasamahang kulto si Favali at nang bumulagta’t kumalat ang utak ay kanilang kinain.

Tumakas si Manero noong madaling araw ng Huwebes sa Sarangani provincial jail. Dito naka-detain si Manero makaraang buhayin ang kaso niyang murder at kidnapping kina Ali at Mambatawan Mamalumpong ng South Cotabato noong 1977.

Maraming beses nang tumatakas si Manero. Tumakas siya ng noong 1981 nang sisimulan na ang trial sa Mamalumpong case. Nang makasuhang pumatay sa Italian priest noong 1985 ay nahuli at hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo subalit bago sumapit ang 1992 Presidential elections ay tumakas na naman ito. Nahuli si Manero noong nakaupo si President Fidel Ramos at kakatwang binawasan ang sentensiya rito. Ginawang 24 taon ang hatol hanggang palayain ni Estrada noong nakaraang taon.

Ngayo’y nakatakas na naman siya dahil sa tulong umano ng mga kaibigan. At nakapagtatakang natataon ang kanyang pagtakas tuwing malapit na ang eleksiyon. Marami ang naniniwalang sadyang pinatakas si Manero upang gamitin ng mga pulitiko sa eleksiyon. Nagkaroon ng kutsabahan sa mga opisyal ng piitan kaya walang kahirap-hirap na nakatakas. Umano’y may sariling kubo si Manero sa Sarangani provincial jail at madalas dito ang kanyang asawa na umano’y naka-kotse kapag dumadalaw.

Hindi pa nadadakip si Manero hanggang sa kasalukuyan at may demand pa siya kay President Gloria Macapagal-Arroyo bago sumuko. Una, bigyan siya ng pardon; ikalawa, bigyan siya ng speedy trial sa kidnap-murder case; ikatlo, speedy trial sa lahat ng bilanggo sa Sarangani jail; at ikaapat, alisin ang suspension sa jail warden at tatlong guards na naka-duty nang siya’y tumakas.

Onli in da Pilipins talaga nangyayari ang ganito. Kailangang kumilos ang gobyerno. Dakpin si Manero at ikulong ng kasama nito ang mga kasabwat sa kanyang pagtakas. Bulukin silang lahat sa bilangguan.

MAMBATAWAN MAMALUMPONG

MANERO

NOONG

NORBERTO MANERO

ONLI

PILIPINS

SARANGANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with