^

PSN Opinyon

PILANTIK - Pag-unlad ang hangad

- Ni Dadong Matinik -
Sa pagtula-tula at pagsulat-sulat
pag-unlad ng bansa ang tangi kong hangad,
ang hangaring ito’y isa nang paglingap
na mula sa puso ay alay kong tapat!

Tapat na layunin ngayo’y isasalang
sa Mayo 14 – Araw ng Halalan,
aking hihilingin sa ating sambayanan
ang boto’y ibigay sa marapat lamang.

Sa mga alkaldeng sa ati’y lalapit
Kilatisin muna nang hindi tumangis;
ang iboto nati’y hindi lang makisig
kundi yaong tapat na mag-public service!

Sa mga candidate sa pagka-congressman,
piliing mabuti manok na palaban;
hindi ba’t marapat na ating samahan
may mga prinsipyo at tapat sa bayan?

Sa mga may nais na maging senador,
ang ihalal nati’y nasa sumang-ayon
na buksan ang sobre nang upang matugon
mga katanungan sa ‘‘impeachment’’ noon.

Nariyan si Drilon at si S. Osmeña,
Magsaysay at Flavier, Recto at Herrera
si Joker, si Kiko saka ang iba pa
na nagsakripisyo’t nagmartsa sa EDSA!

ARAW

DRILON

FLAVIER

HALALAN

HERRERA

KIKO

KILATISIN

MAGSAYSAY

NARIYAN

OSME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with