Karapatang bilhin o kontratang bentahan
March 17, 2001 | 12:00am
Verbal na nakipagsundo ang mag-asawang Leon at Vicky na ipagbili kay Caridad, isang balikbayan ang kanilang lupat bahay sa halagang P5 milyon. Sa usapan, ang unang bayad ay P2 milyon na gagawin ng Disyembre, 1984 at sumunod ay P3 milyon na gagawin ng Enero 5, 1985.
Bago bumalik si Caridad sa United States nag-iwan siya sa mag-asawa ng P90,000 bilang paunang bayad upang mareserba na sa kanya ang lupat bahay. Ang paunang bayad na itoy aawasin sa presyo ng bilihan.
Hindi nakabayad si Caridad ng P2 milyon at P3 milyon sa takdang panahon. Noon lang January 25, 1985 siya ay nagbigay ng P1.5 milyon kay Vicky sa US.
Noong March 15, 1985, sinulatan na ng abogado nina Leon at Vicky si Caridad at hinihingi ang natitira pang kabayaran sa halagang P3.5 milyon. Sa nasabing sulat, inulit ng abogado ang verbal na kasunduan nina Caridad at ng kliyente niya. Hindi sinagot ni Caridad hanggang nakalipas pa ang limang buwan kung kailan sumulat uli ang abogado o inaabisuhan si Caridad na nawala na ang karapatan niyang bilhin ang lupat bahay nina Leon at Vicky. Inalok na lang ito ng ibang lupa at bahay.
Sumagot si Caridad at sinabing handa na siyang bayaran ang buong halagang napagkasunduan nila. Ngunit hindi na pumayag sina Leon at Vicky. Wala na raw karapatan si Caridad.
Kaya nagsampa ng kaso si Caridad upang pawalang bisa ang kasunduan nila at bawiin ang lahat ng naibayad niya na P1,590,000.00. Mababawi pa kaya ito ni Caridad?
Mababawi niya. Ang sulat ng abogado nila noong March 15, 1985 ay nagpapatunay na may ganap ng kasunduan sa bilihan kahit itoy verbal lang.
Ang kontrata ng bentahan ay isang kontratang nabubuo sa pagtatagpo ng niloloob ng bawat partido tungkol sa presyo at bagay na ipinagbibili. Sa kasong ito, malinaw na may kasunduan o kontrata na. Ang paunang bayad o earnest money o sa halagang P90,000.00 ay tinanggap na ng mag-asawa. Sa ilalim ng batas, itoy bahagi ng presyo ng bilihan at patunay na may kontrata na. Ang hindi pagtupad ni Caridad sa pagbabayad ng presyo sa takdang panahon ay isang paglabag sa kontrata na nagbibigay lang sa mag-asawang idemanda si Caridad upang itoy sundin o pawalang bisa. Mali sila sa pagpapalagay ng binigyan nila si Caridad ng karapatang bilhin ang lupa at nawala na ang karapatang ito noong di nakapagbayad si Caridad ng P3.5 milyung balanse. Nabuo na ang kontratang bilihan at di lamang karapatan sa pagbili. Dahil may kontrata na, maaring mabawi ng bawat partido ang mga naibigay nila sa ilalim ng kontrata kung itoy nalabag (Spouses Co vs. Court of Appeals et. al. G.R. No. 112330 August 17, 1999).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended