Bakit ngayon ka lang pumiyok Dr. Loi ?
March 14, 2001 | 12:00am
Dapat nang magising sa katotohanan itong si dating First Lady Dr. Loi Ejercito. Sa tingin ko, akala ni Dr. Loi, na kumakandidatong senador sa tiket ng Lapian ng Demokratikong Pilipino-Puwersa ng Masa, ay nananaginip pa siya nang hilingin kay Presidente Gloria Macapagal - Arroyo na imbestigahan ang mga housing anomalies noong administrasyon nina Aquino at Ramos. Tinutukoy kasi ni Dr. Loi ang kalaban niya sa pulitika na si Manny Villar, na kandidato naman sa pagka-senador sa Peoples Power Coalition (PPC) na siyang nakinabang sa mga nabanggit na anomalya.
Ang tanong ngayon ng sambayanan, bakit ngayon lang pumiyok itong si Dr. Loi? Di ba kung sa panahon ng kanyang napatalsik na asawang si Joseph Estrada niya ito hiniling eh di nakakasiguro siyang magkaroon ng kahinatnan ang imbestigasyon ukol sa bintang niya? Kaya ko nasabing nanaginip itong si Dr. Loi, kasi sa kanyang hinihinging imbestigasyon, nangangahulugan lamang na malamya ang kanyang asawa at pati siya ay walang tiwala sa kakayahan nito. At ibig ding sabihin ni Dr. Loi na sa ilalim ng administrasyon ni GMA, sigurado siyang magkakaroon ng katuparan ang kanyang ninanais at kabaligtaran sa liderato ng napatalsik niyang asawang si Joseph Estrada. Di ba mga suki?
Siguro nga kapag binuksan ni Dr. Loi ang naturang isyu ay para iparating sa masa na itong si Villar ay may malaking uling din sa mukha. Pero sumemplang siya at hindi niya akalain na sisipa ang isyu sa kanyang asawa, na hanggang sa ngayon ay nagpipilit pa ring bumalik sa puwesto. At mukhang ill-advised din ng mga media handlers ni Dr. Loi ng ang isyung ito ang sinakyan nila. Si Villar, sa kasalukuyan, ay hinihirang ng sambayanan na isa sa mga bayani ng EDSA People Power kayat kahit ano pang tira ang gagawin sa pagkatao niya ay hindi papansinin ng mga botante.
Ang masama pa nito, sinakyan ni Dr. Loi ang sulat umano ng Young Officers Union (YOU) ng military na nagbabanta sa gobyerno ni GMA. Hindi naman kaila sa sambayanan na nitong mga huling araw ni Erap sa Malacañang ang mga reports galing sa labas na natutunghayan niya ay padala ng YOU. Nabili na ni Erap ang YOU at si Sen. Gringo Honasan kayat sumemplang si Erap. Hindi dapat katakutan itong YOU at grupo ni Honasan dahil silay mga spent force lamang at nasa payola ni Erap. Hayan, maliwanag mga kaibigan, na kayat nag-iingay itong YOU ay para susugan ang kandidatura, hindi lamang ni Dr. Loi at Gringo, kundi pati na rin ang kay dating PNP Chief na si Ping Lacson. Mamimiyesta ang tiket nila sila sa mga press release na YOU. Hayaan na lang natin na umubo sa kadadaldal itong taga-YOU. Nasa kandungan na rin sila ngayon ng pulitiko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended