^

PSN Opinyon

Razon ng WPD ililipat sa Cebu

-
Napipintong ma-promote si Chief Supt. Avelino Razon Jr., hepe ng Western Police District (WPD). Ilang araw na lang at ipalalabas na ni acting Philippine National Police Chief Deputy Director Gen. Leandro Mendoza ang kautusan sa pagtalaga sa kanya bilang bagong hepe ng Police Regional Office (PRO) 7 sa Cebu.

Sa kasalukuyan, usap-usapan ngayon sa WPD hindi lamang ang pag-promote kay Razon kundi maging kung sino ang kanyang kapalit. Dalawa ang matunog na papalit kay Razon at ang mga ito’y kaklase niya sa Philippine Military Academy (PMA) Class ’74. Sila ay sina Senior Supts. Nick Pasiños at Marcelino Franco na kasalukuyang deputy for administration ng WPD.

Kung paiiralin ang nangyari sa Cavite, mukhang lamang na itong si Pasiños. Sa pagtalaga kay Senior Supt. Sammy Pagdilao sa Cavite, nangangahulugang ang mga military ang nasusunod at hindi si President Gloria Macapagal-Arroyo. Si Pasiños kasi, ay tinutulak ni Executive Secretary Renato ‘‘Teka-Teka’’ de Villa. Di ba si Pagdilao rin ay manok ni dating Presidente Fidel V. Ramos? At si Ramos ang nanalo sa Cavite at hindi si GMA di ba?

At tulad sa kaso sa Cavite, ito namang si GMA ay tumawag din kay Mendoza para nga si Franco na ang papalit kay Razon. Hindi kasi lingid kay GMA na si Franco ang isa sa mga opisyal na nag-secure ng Malacañang noong kainitan ng EDSA People Power 2 at kailangan ding bigyan siya ng premyo. Tama si GMA di ba? Hindi lang ’yan. Si Franco ay well-respected sa Maynila at hindi na niya problema si Mayor Lito Atienza at ilan pang mga matataas na opisyales ng City Hall. Ang ibig kong sabihin, malinis ang service record nitong si Franco at kilala siya sa pagtatrabaho.

Pero kung sino man ang mapili kina Pasiños at Franco ang makikinabang tiyak ay ang mga Manileño dahil kapwa sila magaling na opisyal. Ang balita ko, hindi naman tumango si Mendoza sa kahilingan ni GMA dahil nangatwiran siyang dadaan pa ang appointment ng sinumang hihirangin sa top WPD post sa Special Police Officer’s Promotions Board (SPOPB). Ang ibig sabihin nito may semplang na naman si GMA at maaaring masundan ang nangyari sa Cavite. Mananaig na naman ba ang desisyon ng mga military?

Ang kasagutan kasi ni Mendoza ay parang may tinanguan na siyang tao para pumalit kay Razon. Hindi kaya si ‘‘Teka-Teka’’ yon? Magiging maliwanag ang kasagutan na hindi talaga si GMA ang nagpapatakbo ng gobyerno kapag ang ‘‘manok’’ ni ‘‘Teka-Teka’’ ang mahirang na police chief ng Maynila, di ba mga suki?

AVELINO RAZON JR.

CAVITE

CHIEF SUPT

CITY HALL

EXECUTIVE SECRETARY RENATO

GMA

MENDOZA

RAZON

TEKA-TEKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with