EDITORYAL - Magtagumpay na kaya ang DECS?
March 3, 2001 | 12:00am
Matagal nang nakabaon sa kumunoy ng karumihan at katiwalian ang Department of Education, Culture and Sports (DECS). At wala ni isa man sa mga namuno rito ang nangarap mahango ang departamentong ito. Maaaring kay Raul Roco na Secretary ngayon ng DECS, subalit marami siyang dapat gawin upang mapatunayang kaiba siya sa mga nakaraang pinuno rito. Marami pang problema ang DECS at ang mga binabalak ni Roco ngayon, gaya ng pagbabago sa pamamaraan ng pagsuweldo ng mga guro, pagbuwag sa mga ghost employee, pagbabawal sa mga magagarbong graduations, pagpapatigil sa review ng National Elementary Achievement Test (NEAT) at National Secondary Achievement Test (NSAT) ay hindi garantiyang malilinis na ang departamento. Nasa unang baytang pa lamang si Roco at malayo pa ang kanyang aakyatin.
Tama ang unang hakbang na wasakin ang corruption sa DECS sapagkat dahil dito kaya naaapektuhan ang sahod ng mga guro. Ang perang dapat idagdag sa kanilang kakarampot na suweldo ay ibinubulsa ng mga kawatan. Kahit na hindi gawing computerized ang sahod ng mga guro basta nasa oras ay okey lamang. Baka ang mangyari, naka-automated teller machine (ATM) nga ay kakarampot naman at tadtad din ng bawas. Ang makikinabang lamang dito ay mga banko.
Maraming mga guro na matatalino at dedikado sa kanilang sinumpaang propesyon subalit dahil sa kakarampot na suweldo marami ang napipilitang mag-domestic helper na lamang sa Saudi Arabia, Italy at Hong Kong. Para sa kanila mas may pag-asa silang umunlad kaysa sa habambuhay na maging guro. Ang ganitong problema ang dapat tutukan ni Roco. Sa mga liblib na barangay ay may mga gurong masisipag na hindi tumatalikod sa tungkulin subalit nalilimutan ng mga pinunong kumukuyakoy sa silid nilang airconditioned. Mayroong mga gurong tumatawid ng ilog, umaakyat ng bundok, naglalakad ng ilang kilometro sa daang putikan, sumasakay sa kabayo, para lamang makarating sa paaralang pinagtuturuan. Pero hindi sapat ang kanilang suweldo at kailangan pang mag-rally para lamang madagdagan. Sadyang kawawa ang mga guro!
Sa nakaraang administrasyon ni President Estrada ay naging kontrobersiyal ang DECS dahil sa pagbili ng mga mamahaling sasakyan at sa textbook scam. Nangangarap kaming hindi na mauulit ang pangyayaring ito sa ilalim ni Roco. Hindi na rin mauulit na sa panahon ng mga nananalasang bagyo ay nagtuturuan ang mga pinuno ng DECS kung papapasukin ba sa school ang mga estudyante. Maghihintay kami sa mga lalo pang pagbabago sa DECS Secretary Roco.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended