^

PSN Opinyon

Idagdag sa inyon nalalaman

-
Alam n’yo ba na ang pinakamatagal na naging Senate President ay si Eulogio ‘‘Amang’’ Rodriguez Sr. ng Rizal. Si Amang ay Pangulo ng Nacionalista Party hanggang sa kanyang kamatayan noong 1964.

Si Melchora Aquino na lalong kilala sa tawag na ‘‘Tandang Sora’’ ay ina ng himagsikan. Namatay siya sa gulang na 107.

‘‘Huseng Batute’’ ang bansag sa makatang si Jose Corazon de Jesus na kinilalang hari ng balagtasan. Ilan sa kanyang mga tula ang ‘‘Sa dakong silangan,’’ ‘‘Ang mga itinapon ng kapalaran’’ at ‘‘Maruming basahan.’’ Siya rin ang nagsatitik ng mga kundimang ‘‘Pakiusap,’’ ‘‘Pahimakas’’ at ‘‘Bayan Ko’’ na komposisyon ni Constancio de Guzman. Ang kauna-unahang ‘‘Balagtasan’’ (poetic oratorical contest) ay ginanap sa Maynila noong Abril 6, 1924 at ang kauna-unahang nagbalagtasan ay sina Huseng Batute at Florentino T. Collantes.

Ang kauna-unahang Pilipino na naging Pangulo ng United Nations General Assembly ay si Carlos P. Romulo. Naging aide-de-camp siya ni General Douglas MacArthur, naging Pangulo ng University of the Philippines at naging secretary of Foreign Affairs.

Si Leonor Orosa Goquinco ang ‘‘Mother of Philippine Theatre Dance’’ dahil siya ang nagsimula ng folk-inspired ballet. Siya ay pinarangalan bilang National Artist for Dance noong 1976.

Ang Manila Zoo ay itinayo noong 1950 sa pamumuno ng yumaong Mayor Arsenio Lacson na binansagang ‘‘The greatest Mayor Manila ever had.’’ Ang Manila Zoo ay nasa Malate malapit sa makasaysayang Fort San Antonio Abad.

Ang dating Tourism Secretary Gemma Cruz-Araneta ay apo ni National Hero Jose Rizal. Siya ang kauna-unahang Pilipina na naging Ms. International noong 1965.

ANG MANILA ZOO

BAYAN KO

CARLOS P

FLORENTINO T

FOREIGN AFFAIRS

FORT SAN ANTONIO ABAD

GENERAL DOUGLAS

HUSENG BATUTE

PANGULO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with