Jueteng money babaha sa election, ani Lina
February 23, 2001 | 12:00am
Maging ang mga matataas na opisyales ng pulisya ay may agam-agam sa kampanya ni Interior Secretary Joey Lina na maipasara ang jueteng operations sa bansa. Sa katunayan, ilang araw matapos ihayag ni Lina ang kanyang programa, nagpulong ang mga matataas na opisyales ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame at sa mahabang talakayang ginawa, hindi nila maarok kung ano talaga ang motibo ng kanilang amo.
Lalong naguluhan ang mga PNP officials ng ma-interbyu si Lina sa TV kamakailan at tahasang sinabi nito na babaha ang jueteng money sa May elections. Anila, mukhang hindi alam ni Lina ang kanyang pinaggagagawa.
Sa pulong noong Lunes, inilabas ang intelligence report na si Lina, ng gobernador pa ng Laguna ay hindi napatigil ang jueteng. Ang nag-operate ay ang isang Romy Pamatmat, na may green light naman ng kapatid ni Gov na si Bert, anang intelligence report.
Hindi kaya kayat masyadong tinutulak lamang sa pader ni Lina si Central Luzon jueteng King Bong Pineda ay para mapalitan siya ni Pamatmat? Hindi naman kaila na itong sina Pineda at Pamatmat ay may hidwaan dahil sa jueteng.
Kung maipasara nga nila ang jueteng, bakit sinabi pa ni Lina na babaha nga ang jueteng money sa eleksiyon? Kung bibigyang pansin ang sinasabi at pinaggagawa ni Lina, mukhang magkaiba ang direksiyong tinatahak niya. Kahit may agam-agam, napagkasunduan naman ng mga PNP officials na sundin ang kautusan ni Lina. Kung sabagay, kasama itong illegal gambling sa sinumpaang trabaho nila, di ba?
Ang nakapagtataka lang, bakit tahimik si Lina laban kay Metro Manila jai alai bookies King Val Adriano, na sa tingin nila ay malaki ang ninanakaw sa kaban ng bayan. Papayagan ba niya si Adriano na gawing gatasan ng kampo ni Erap para magsagawa ng destabilization laban sa gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo? Tanong nila. Noong panahon ni Erap, itong si Adriano ang pumopondo sa mga dirty tricks na pinangungunahan ni Charlie Atong Ang, kayat hindi nalalayo na hanggang sa kasalukuyan ay buo pa ang sindikato nila sa jai alai fronton sa Manila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended