Gabay sa pandinig
February 7, 2001 | 12:00am
Tiyaga, pag-unawa at pagmamahal ang dapat na ipagkaloob sa isang may kapansanan sa pandinig.
Ayon sa pangunahing hearing aid specialist na si Dr. Eduardo Go, may-ari ng Hi-Tech Hearing Centre Inc., maraming programa at mga paraan para sa kapakanan ng isang may kapansanan sa pandinig. Nakita namin ang mga makabagong kagamitan nang imbitahan kami ni Dr. Go sa kanyang klinika sa Suite 1602, 16th floor, Medical Plaza Makati sa Amorsolo St., Salcedo Village, Makati City. Nagkaroon din kami ng pagkakataon na makapanayam ang ilan sa mga pasyente ni Dr. Go.
Isang batang lalaki na 10 taong gulang at nakasalamin nang makapal ang nakausap namin at bagamat mahina siyang magsalita, pinilit niya kaming sagutin. Napuna naming may maliit na hearing aid instrument sa kanyang tainga na kung hindi pagmamasdang mabuti ay hindi iisiping may kapansanan ang bata.
Isang dalagita ang nagsabi na malaking tulong sa kanya si Dr. Go. Iba ang sukat ng kanyang hearing instrument at iba rin ang kulay. Isang ginang ang nagsabi na isang miracle worker si Dr. Go. Mula nang sumailalim kay Dr. Go ang anak niyang may hearing problem ay malaki ang naging pagbabago nito. Hindi na siya mahiyain at nagkaroon siya ng tiwala sa sarili at nakikipag-usap na siya sa ibang tao. Parang isang himala rin ang nangyari sa isang ginang na may hearing problem at labis siyang nagpapasalamat kay Dr. Go.
Hindi kailanman tinawag ni Dr. Go na bingi ang kanyang mga pasyente kundi silay may kapansanan sa pandinig na sa pamamaraang alam niya ay manunumbalik ang pag-asa at pagpapahalaga sa ganda ng buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended