Pamamayagpag ng mga balimbing
February 6, 2001 | 12:00am
Ang salitang balimbing ay usung-uso nang ginagamit ngayon sa larangan ng pulitika. Kapag nagpapalipat-lipat ng partido ang pulitiko, balimbing ang tawag sapagkat baligtarin ang katapatan papalit-palit, paiba-iba depende sa nakikitang oportunidad para sa sariling kapakanan.
Hindi mahirap makita ang mga ito lalo nat nagbabago ang ihip ng hangin katulad ng pagbabago ng administrasyon. Ang karamihan na kalaban noon ay mabilis na lumilipat ng walang pakundangan kung anuman ang isasaloob o mangyayari sa mga maiiwan nila. Ang mahalaga lamang sa mga oportunistang ito ay ang maisalba at mapanatili ang kanilang kayamanan at kapangyarihan.
Nitong nakaraang People Power 2, napakaraming nakitang mga balimbing. Ito yung mga taong nilisan ang kampo ni Erap nang maramdaman nilang malapit na itong bumagsak. Hanggang sa bisperas ng pagtatagumpay ng People Power ay nasaksihan ang parada ng mga tumitiwalag kay Erap. Lalong dumami ang mga balimbing matapos manumpa si President Gloria Macapagal-Arroyo. Marami ang mga naghahabol na makakuha ng posisyon sa bagong pamahalaan.
Marami rin ngayong mga kaalyado at kaututang-dila ni Erap na nakinabang ng husto, ang halos nagsusumamo na lumipat na sa bagong administrasyon. Nariyan sina Mark Jimenez at Atong Ang na umanoy handang tumestigo laban kay Erap. May pasabi rin na pati ang abogado ni Erap na si Atty. Ed Serapio ay gusto na ring makipag-areglo. Pati si Rowena Lopez na isa sa mga kabit ni Erap ay gusto na diumanong kumalas at handang makipagtulungan sa pamahalaan ni GMA.
Walang katapusan ang listahan ng mga pangalan ng mga bumalimbing na at babalimbing pa. Hindi magandang pag-uugali ito sapagkat itoy lalong nagpapabaon sa karangalan at reputasyon ng ating bansa. Marahil ay dapat nang mabago ang sistema at pamamaraan ng ating pamahalaan nang sa ganoon ay mapaalis na ang hindi nakapagdudulot ng kabutihan sa ating bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended