^

PSN Opinyon

Mga 'ghost employees' sa Basud, Camarines Norte

-
Hindi lang pala sa mga city hall at munisipalidad sa Metro Manila nauuso ang mga "ghost employees", maging sa munisipalidad din pala ng Basud, Camarines Norte ay talamak at naglipana ang mga tinaguriang multo.

Dahil sa pagkakadiskubre ng dalawang pangalang ghost employees sa daily time record at daily wage payroll ng nasabing munisipyo ay nabulgar ang matagal nang itinatagong modus operandi ng sindikato rito.

Lingid sa kaalaman ng mga pobreng sina Ronald Velante at Dante Reabad ay matagal ng may gumagamit ng kanilang pangalan upang makakubra ng malaking pera mula sa kabang bayan ng Basud sa pamamagitan ng isang nagngangalang Norial Lopez, HRMO II.

May nakapagsabi kay Velante at Reabad na ang kanilang pangalan ay nasa daily time record ng nasabing munisipyo bilang janitor ngunit sa katotohanan ay delivery boy lang ng isang tindahan sa nasabing bayan.

Biruin n’yo, Sir Ombudsman Aniano Desierto na isang maliit na munisipalidad ng Basud ay hindi na pinatawad ng mga hinayupak na sindikato ng pamemeke ng daily time record na nagreresulta upang makakubra ng limpak-lipak na salapi mula sa kaban ng bayan.

Ang matindi rito Sir Ani, lumalabas sa pangunahing imbestigasyon nang tinatawag na MARINO ay sangkot si Basud Mayor Nonito Flores kasama ang apat na kaalyadong empleado na sina Rosalyn Yanto, Rhoda Grantoza, Norial Lopez at Nora Barbonio.

Nabatid sa source, na sina Yanto at Grantoza ay pawang mga casual employees na nakatalaga rin sa Office of the Mayor at malayang nagagawa ng modus operandi. Ang dalawang ito ang siyang nakaalam ng mga "ghost employees" dahil sila ang nagpapapirma ng daily wage payroll kay Mayor Flores.

Baka sabihin na naman ni Mayor Flores ay paninira lang mula sa kalabang pulitiko. Style n’yo bulok, huwag n’yo naman bahiran ang magandang imaheng pinamumunuang partido ni Senate President Aquilino Pimentel na PDP-LABAN!

Nabatid ng OK KA BATA! na tatakbong pagka-Bokal ng Camarines Norte si Mayor Flores sa ilalim ng PDP-LABAN. O sige mga kabataang botante ng Basud, alam n’yo na ang gagawin sa darating na May election.

Sir Ani, bigyan naman daw ninyo ng special treatment ang nasabing kaso baka naman matakpan ng kaso ni Erap ang isinasagawang imbestigasyon sa mga lokal na opisyal na sangkot sa matagal ng anomalya ng "ghost employees" kasi naghihintay ang mga residente ng Basud sa magiging hatol.

BASUD

BASUD MAYOR NONITO FLORES

CAMARINES NORTE

DANTE REABAD

MAYOR FLORES

METRO MANILA

NABATID

NORIAL LOPEZ

SIR ANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with