Ang kabayanihan sana ni Erap
January 30, 2001 | 12:00am
Noong Oktubre 2000, nanawagan ang taumbayan na kailangan ng bansa ng isang bayani sa punto ng pagbagsak ng ekonomiya. Ang kabayanihan ay hindi dapat manggaling sa 72 milyong Pilipino, kundi mula sa isang taong umuokupa ng pinakamataas na posisyon.
Sa Saligang Batas, maaaring gampanan ito ng Presidente sa pamamagitan ng pagdeklara at pagsumite ng kasulatang deklarasyon na hindi niya kayang gampanan ang tungkulin ng kanyang tanggapan. Makatarungang solusyon ito noon, dahil ito ang pinakamabilis at pinaka-tahimik.
Ayon din sa Saligang Batas, maaaring bumalik kaagad ang Presidente matapos niyang magharap ng kasulatang deklarasyon sa Senate President at Speaker of the House na handa na niyang gampanan ang tungkulin ng Presidente. Kayat ang kapangyarihan ay nasa kanya pa rin. Magpapahinga lamang siya, mag-seminar kung nanaisin, o di kaya ay mag-mahjong at magsugal muna hanggang magsawa.
Noon, iyon ang banal, marangal, makatao, at hindi makasariling hakbang. At sa pagsasagawa nito, siya ay maituturing sana na tunay na nagmamalasakit sa bansa, hindi umaarte, makatotohanan at tunay na bayani.
Subalit, hindi pinakinggan ito ni dating Presidente Estrada. Matapos ang ilang buwang rally sa kalsada, isang mahaba at kaduda-dudang impeachment trial, apat na araw ng People Power, pagtiwalag ng mga miyembro ng gabinete, pulisya at AFP, resolusyon ng Supreme Court na bakante na ang puwesto ng Presidente, saka lamang gagamitin ni Estrada ang probisyong ito ng batas. Huli na ang lahat. Ang pagkakataong maging bayani ay lumipas na ng ilang buwan.
At dahil minabuti ni Estrada na magmatigas, makalusot, kumapit sa puwesto bagamat milyun-milyong Pilipino na ang umiiyak, naghihirap, nagagalit at naiinsulto, hindi na siya nararapat bigyan ng anumang parangal o puna man lang para sa kanyang pag-alis sa Malacañang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended