^

PSN Opinyon

Mabuhay ang mga ‘Young Scientists’

-
Matapos ang makasaysayang EDSA 2 kailangan naman nating bigyan ng pansin ang programa ng Philippine Foundation for Science and Technology hinggil sa ika-15 taon ng the Young Scientist and Sci-Artists program na gaganapin sa February 13-16 dakong alas-4 ng hapon sa Philam Life Auditorium sa U.N. Avenue, Manila.

Ang nasabing programa ay nakatakda sanang idaos noong Enero 24, ngunit naganap ang EDSA 2 kaya nabago ang petsa.

Lalahukan ng mga school children nationwide kabilang ang out-of-school children, victims of conflict at mga children in difficult situation na may edad 11 hanggang 13.

Dahil sa suportang ibinigay ng Philippine National Oil Company (PNOC), Department of Science and Technology (DOST) at Department of Education, Culture and Sports (DECS), nagpapatuloy ang nasabing programa sa pamumuno ni Director Leticia Moran-Zerda.

Siguradong mag-uuwi ng malalaking halaga ng pera ang magwawaging kalahok dahil ang mananalo sa individual category ay makatatanggap ng P70,000 at trophy habang ang adviser naman ng kalahok ay tatanggap ng P10,000 plus trophy.

Kabilang sa limang finalists ng the Young Scientists Quiz Competition ay sina Julie Ann Banatao ng Malabbac Elem. School (Region II); Raphael Santos ng Peninsula School sa Region III; Gizelle Eliza Orozco ng Holy Rosary Academy ( Region IV); Carl Emilio Bagarinao ng Kinaadman Elementary School (Region VI) at si Genesis Mallanao ng Ateneo de Zamboanga (Region IX).

Samantala, sa team category naman ay aasahang may limang teams ang kalahok na mag-uunahan sa top award na kinabibilangan nina Marco Marfil, Gellie Anne Mae Cano at Nino Jericho Fernandez ng Marikina City; sina Charisse Batin, Solon Harmony Dolor at Ryan Guillermo ng Quirino (Region II); Marichelle Carilimdiliman, Ian An Gaspar at Sarah Jean Zafe ng Catanduanes (Region V); Joannie Mary Cabillo, Bea Jeanelle Lumanas at Mary Ann Gamil ng Bohol (Region VII); Sherly Lorenzo, Nemesio Cañete II at Justin Dominic Robles ng Butuan City (CARAGA Region).

Bibigyan naman ng P25,000 ang mananalo ng 1st prize plus trophy sa team category habang sa adviser naman ay P10, 000 plus trophy.

Sa mga eskuwelahan naman na pinagmulan ng mga grand awardees ay makatatanggap ng plaque at set of science equipment.

Sa larangan naman ng Sci-Artists, 10 finalists mula sa 3,007 mag-aaral ang nag-compete sa top three awards na kinabibilangan nina Larla Mae Lapeña ng Special Education Center (CAR); Kim Diaz mula sa Antonio Regidor Elementary School; Kristoper Gil Pagkalinawan School ng Special Education for the Gifted (Region III); Rommel Aguilar Arandilla III ng Talisay Elementary School (Region VI); Angela Sison ng Catherina Cittadini School (Region VII); Kimberly Mozar ng City Central School (Region X); Mary Grace Fernandez ng Philippine Women’s College of Davao (Region XI) at si Neil Andrei Chiong ng Urios College (CARAGA Region).

Sa tatlong mapipiling grand awardees ay makakatanggap ng P25,000 plus trophy samantalang sa advisers naman ay P5,000 plus trophy.

Bibigyan din ng P3,000 ang mapipiling Best Use of Indigeneous Materials, Best in Packaging at Most Original bilang special awards.

Sa mga kalahok na magwawagi, saludo ang OK KA BATA! sa inyong talinong Pinoy! More power at mabuhay kayo!

ANGELA SISON

ANTONIO REGIDOR ELEMENTARY SCHOOL

BEA JEANELLE LUMANAS

BEST USE OF INDIGENEOUS MATERIALS

BIBIGYAN

NAMAN

REGION

SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with