^

PSN Opinyon

Gen. Leandro Mendoza, nagbalik na naman ang jueteng, Sir!

- Bening Batuigas -
Ilang araw pa lamang bumababa sa puwesto si dating Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Panfilo Lacson subalit nagsulputan na naman ang illegal na jueteng sa bansa, lalo na sa mga probinsiya sa Norte. Ibig kong sabihin, kahit ang lahat ng kasamaan ay itinatapon ngayon ng liderato ni Presidente Arroyo laban kay Lacson at mga loyalist niya, mukhang may naiwan naman siyang legacy na kung tutuusin ay habambuhay siyang maaalala ng sambayanan.

At kung hindi kikilos ang pumalit kay Lacson na si Deputy Director General Leandro Mendoza, sigurado akong madadagdagan ang mga nag-alinlangan sa kanyang liderato lalo na sa ngayon na may grupong umaakusa sa kanya ukol sa pagtakas ng isang preso na umano’y kamag-anak niya.

Kahit sa huling mga araw ng kanyang panunungkulan, itong si Lacson ay pinilit talagang maghigpit laban sa jueteng. Talagang ipinasusunod niya to the letter ang kanyang ‘‘no take policy’’ sa mga opisyales ng pulisya.

Sinabi ng aking espiya na nang maupo bilang PNP chief si Mendoza, lalong tumingkad ang pa-jueteng hindi lang sa Metro Manila kundi pati na sa probinsiya ng Bulacan, Tarlac, Zambales at Olongapo. Ang kasalukuyang namamayagpag na jueteng operators sa Norte ay sina Fred Junky ng Olongapo; Peping ng Zambales; Bebot Roxas ng Tarlac at magkapatid na Lad, Jessie at Abet Viceo ng Bulacan. Ang masama pa pati pangalan ni Supt. Caloy Baltazar ng Department of Interior and Local Government (DILG) ay bukambibig ng mga jueteng lord lalo na si Fred Junky.

Isang Tikboy Garcia na umano’y reporter sa DILG, ang kumukolekta ng P30,000 kada buwan para kay Baltazar. Totoo ba ’yan kaibigang Caloy? Sa Metro Manila naman patuloy pa ang mga pasugalan nina Val Adriano ng Makati City; Joel Guevarra ng Marikina City; Elmer Nepomuceno at Romy Lajara ng Rizal; Gerra Ejercito ng Muntinlupa; Milo Samson ng Manila; Peping Suarez ng San Juan at Totong Melendrez ng Pasig City. Mukhang hindi sinusunod ang kautusan ni Mendoza na magsagawa ng kampanya laban sa kanila. Ano ba yan? Wala rin palang pagbabago.

Kung hindi sinsero si Mendoza ukol sa kampanya laban sa jueteng bakit nagpalabas pa siya ng kautusan. Ibig bang sabihin nito niloloko niya ang kanyang sarili?

ABET VICEO

BEBOT ROXAS

BULACAN

CALOY BALTAZAR

DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

DIRECTOR GEN

FRED JUNKY

LACSON

MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with