Biktima ng Payatas

Ang letter ay galing kay Lorie ng Payatas, Quezon City.

Nang gumuho ang Payatas dumpsite noong nakaraang taon. Marami ang namatay at nawalan ng tahanan. Ngayon po, muli na namang binuksan ang tambakan.

Ano po ba talaga ang nangyayari sa mga kinauukulan natin ngayon? Bakit kinakailangan pong buksan ang Payatas gayong mayroon pa pong mga bangkay na hindi pa nare-recover?

Iniimbestigahan po ba ng Kongreso ang trahedya sa Payatas? Ano po ang kinahinatnan ng imbestigasyon at mayroon po bang ibinibigay na rekomendasyon ang kongreso sa isyung ito?


Ang isa ko pong pamangkin ay isa sa mga namatay sa Payatas at bagaman mayroon na kaming isinampang kaso laban kina Mayor Mathay, wala pa naman pong linaw ang kahihinatnan ng kaso, tulad ng trahedya sa Ozone disco may ilang taon na rin ang nakararaan.

Sa inyo pong palagay, mayroon bang patutunguhan ang mga kasong tulad nang sa amin dito sa Payatas?

Ang pagsampa ng kaso laban sa Lungsod para sa danyos ay maaring gawin. Ayon sa Art. 2189 ng Batas Sibil. ‘‘Ang mga probinsiya, lungsod at munisipyo ay mananagot ng danyos para sa kamatayan o pinsala na nakamit ng isang tao dahil sa depektadong kondisyon ng mga kalsada, tulay, gusali o ibang public works na nasa kanilang kontrol o superbisyon.’’

Ang pagiging iskuwater ninyo ay hindi pa rin magpapawalang-sala sa lungsod dahil sa hindi nila pagbibigay ng necessary precautionary measures upang mapangalagaan ang mga residente.

Show comments