^

PSN Opinyon

EDSA II tagumpay!

-
Lumiliit na ang mundo ni President Estrada. Habang lumolobo ang bilang na taong nagtitipon sa EDSA Shrine para sa People Power II na naglalayong patalsikin ang Pangulo, ang pinakamataas na heneral niya na si Gen. Angelo Reyes ay nagbitiw na sa tungkulin. Nagbitiw na rin si Defense Secretary Orly Mercado.

Nauulit talaga ang EDSA I na nangyari noong 1986. Sa isang sorpresang hakbang, sumulpot sa EDSA rally sina Defense Secretary Orly Mercado at AFP Chief of Staff Gen. Angelo Reyes. Sumunod ang iba pang opisyal ng militar at pulisya. Pati si DILG Sec. Fred Lim ay tinalikdan na rin si Erap.

Yes… bumaligtad na sila. Kumalas kay Estrada upang sumuporta sa People Power II.

Sabi ng iba, hindi magtatagumpay ang People Power revolution ngayon dahil walang suporta ng mga heneral. Ang pagkalas kay Erap nina Mercado at Reyes at iba pa ay pahimakas ng nalalapit na pagtatapos ng rehimeng Estrada. Isang rehimeng higit na tiwali at talamak sa katiwalian kung ihahambing sa paghahari ng diktador na si Marcos.

Kaya ang pagtalikod ni Reyes at iba pang mga Heneral at opisyal sa President ay isang malaking plus factor para makumbinsi ang Presidente na nawalan na siya ng kapangyarihan mamuno sa bansa.

Nagsimula ang pagdagsa ng taumbayan sa EDSA at Makati matapos pigilan ng 11-senador na lumilitis sa impeachment case laban sa Pangulo ang pagbubukas sa ikalawang envelope na nagtataglay ng mga ebidensiya laban sa Presidente.

Halatang pinipigilan ng ilang tiwaling opisyal ang pagsingaw ng bulok ng Presidente.

Isang bagay ang napatunayan natin, hindi na panlalansi ang mamamayang Pilipino sa mga mapagsamantalang lider.

Napatunayan natin ang lakas ng tao at walang sino mang mauupong lider ang magtatagumpay sa kanilang buktot na hangarin.

vuukle comment

ANGELO REYES

CHIEF OF STAFF GEN

DEFENSE SECRETARY ORLY MERCADO

ERAP

FRED LIM

ISANG

PANGULO

PEOPLE POWER

PRESIDENT ESTRADA

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with