^

PSN Opinyon

Sobrang sakit pag may regla

-
Nakaaawa ang babaing dumaranas ng sobrang pananakit ng puson at tiyan kapag magkakaroon sila ng buwanang regla. Marami akong kaibigan na dumadaing ng sobrang menstrual pain. Nakita ko kung papaano sila nahihirapan.

Batay sa ginawang study ng Georgetown University Medical Center sa United States, tungkol sa menstrual pain, malaking ginhawa ang nadarama ng mga babaing dumaranas ng sakit kapag may monthly period sa pagkain nila ng gulay. Ang mga nabanggit na babae ay sumailalim sa isang low fat vegetarian diet. Bumibilang sila ng 33 at lahat sila ay nagpahayag ng great relief bunga ng ginawang study sa kanila. Inamin nila na dahil sa nararamdaman nilang sakit kapag may ‘‘mens’’ kung kaya hindi sila makapagtrabahong mabuti at ang iba sa kanila ay nag-aabsent sa kanilang trabaho. Sinabi nila na ang kanilang pagdidiyeta na tumagal ng walong linggo ay malaking bagay sa kanila. Sa naturang pagdidiyeta ay malaking bahagi ang nawala sa produksyon ng isang kemikal na ‘‘prostaglandin’’ na dahilan ng muscle cramping. Ang naturang study ay isinagawa ng Physicians Committee for Responsible Medicine na pinamumunuan ni Dr. Neal D. Barnard sa pakikipagtulungan ng department of obstetrics and gynecology ng Georgetown Medical Center.

Ang mga gulay na kinain ng 33 babae ay ang petsay, repolyo, letsugas, carrots at marami pang masusustansiyang gulay. Napatunayan na ang kanilang high-fiber vegetable diet ay nagpadagdag ng protina sa dugo na mabisang nagpahina sa estrogen na nasa bloodstream at lalong binawasan ang kanilang buwanang hormone swings.

vuukle comment

BATAY

BUMIBILANG

DR. NEAL D

GEORGETOWN MEDICAL CENTER

GEORGETOWN UNIVERSITY MEDICAL CENTER

INAMIN

MARAMI

PHYSICIANS COMMITTEE

RESPONSIBLE MEDICINE

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with