^

PSN Opinyon

Truth will prevail

-
Nagulantang na naman ang publiko sa pahayag ni dating Chairman Yasay na inalok diumano ni Presidente Estrada ang una ng puwesto sa Kongreso sa darating na halalan. Ipinarating ito umano ni dating executive Secretary Ronnie Zamora noong nakaraang buwan. Ang pahayag na ito ay lumitaw sa cross-examination sa kanya ng depensa. Muli, nabibigyan ng impresyon ang publiko na mahina o hindi kayang buwagin ng depensa ang testimonya ng testigo sa mga ganitong klase ng tanong. Kapag matibay ang ebidensiya, ninanais ng depensa na wasakin naman ang kredibilidad ng testigo. Paikot-ikot na lamang ng tanong ngunit lalo namang nagbibigay ng bagong impormasyon na nakakasira sa kanilang depensa. Ito na lamang ba ang tanging paraan ng depensa na buwagin ang malakas na ebidensiya at testimonya sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang galing at karanasan sa paglilitis? Ngunit kahit anupamang galing sa procedure at paglilitis ang ipakita, kung ang testimonya at ebidensiya ay mabigat at totoo, ang katotohanan pa rin ang mangingibabaw.
* * *
Kamakailan lamang napabalitang umalis ng bansa si Laarni Enriquez papunta umano sa Hong Kong sa di malaman na dahilan. Ayon sa ulat ng OSAA ng Senado, dinala ang subpoena sa bahay nito ng 11:00 ng gabi bago lisanin ang bansa. Ngunit ito ay tinanggihan na tanggapin ng guwardiya sa kadahilanang wala rito ang nabanggit at wala rin ang kanyang sekretarya. Bumalik kinabukasan ang empleyado ng Senado ng 8:50 ng umaga at doon tinanggap ang subpoena. Ngunit ilang minuto lamang at napakinggan na sa ating mga radyo ang paglisan nito sa bansa. Pinagplanuhan ba ito upang hindi muna matanggap ang subpoena bago umalis ng bansa? Hanggang ngayon wala pang malinaw na paliwanag kung bakit ito pumunta ng ibang bansa. Akala ko ba nakahanda silang magbigay ng kanilang pahayag sa Senado?

Ikadalawamput apat na araw ng paglilitis. Nasa ikaapat na artikulo na ang prosecution. Lalong tumitibay ang mga ebidensiya. Ngunit hindi pa rin tapos ang pagbibigay ng ebidensiya sa apat na artikulo. Mukhang hindi kayang tapusin ang January 19 na deadline ng paghahayag ng ebidensiya ng prosecution. Kasama rito ang iba’t ibang mga banta laban sa mga buhay ng mga testigo at mga abogado ng prosecution. Sa nalalapit na pagtatapos ng paglilitis, ang ating pagbabantay sa senado at senador ang magbibigay ng lakas dito upang pairalin lamang ang tanging katotohanan, konsensiya at kapakanan ng bansa. Lalo pa nating patibayin ang ating pananampalataya sa Diyos upang ang katotohanan ay maghari sa makasaysayang paglilitis laban sa Pangulo ng Pilipinas.

AYON

BANSA

CHAIRMAN YASAY

HONG KONG

LAARNI ENRIQUEZ

NGUNIT

PRESIDENTE ESTRADA

SECRETARY RONNIE ZAMORA

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with