^

PSN Opinyon

May P20 bilyon si Erap

-
Ano ’to? Hindi lang pala 500 milyon ang hinigop ni Joseph Estrada mula sa jueteng tobacco tax. Hindi lang pala P1.2 bilyon ang tinago sa alyas na ‘‘Jose Velarde" sa Equitable-PCIBank. Meron pa palang P20 bilyong nakatago sa alyas Kevin Garcia sa lima pang banko. Ito ang bulong sa atin ng impeachment complainants at prosecutors.

Gulat at galit na nga tayo sa P500 milyon. Maski ba sabihin pa ni Sen. Juan Ponce Enrile na labas na ’yon sa mga paratang ng kabuktutan at suhulan, masakit pa rin. Kesyo sa impeachment complaint daw, ang sinabi lang ay hindi inamin ni Erap ang 62 kompanya nila ng asawa’t mga querida sa kanyang 1999 Statement of Assets and Liabilities (SAL). Kesyo yung P500 milyon daw, Peb. 4, 2000 lang lumitaw. Kahit na ba, e. Kaya bang kumita ng isang Presidente sa malinis na paraan ng P14,285,714.29 araw-araw mula Enero 1 hanggang Peb. 4, o 35 araw?

At saan nanggaling ang kabuuang P1.2 bilyon na nasa Equitable? Ang opisyal na suweldo ni Erap, P650,000 lang bawat taon. Imposible namang kinita niya ’yon sa negosyo. E, sabi nga sa 1999 SAL niya na ang pera’t ari-arian niya’y P34 milyon lang. Malabong tumubo ’yon ng bilyon pisong interes. At bawal siyang magnegosyo habang nasa puwesto.

Yung P20 bilyon sa lima pang banko, saan din galing? Imposible namang sa pelikula ’yon kinita. Isa lang naman ang sumikat na pelikula ni Erap, ’yung, Asiong Salonga. Yung iba, medyo-medyo lang, ika nga ng movie scribes. E kung si FPJ na dose-dosena ang hit sa takilya, walang P20 bilyon.

Hindi lang sa jueteng at tobacco tax hinigop ni Erap ang P20 bilyon. Tiyak, may kinalaman ito sa testimonya nina Ruben Almadro, Nonoy Yulo, Jun Yasay at Ed Espiritu. Abangan ang susunod na kabanata, sabi ng prosecutors.

Samantala, namnamin muna natin ang P20,000,000,000. Ang dami namang zero sa kanan! Nakahihilo, nakalulula.

ASIONG SALONGA

ED ESPIRITU

ERAP

IMPOSIBLE

JOSE VELARDE

JOSEPH ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

JUN YASAY

KESYO

LANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with